May kilala ka ba na mga sikat na tao o
personalidad noon na dating mayaman na ngayon
nagtataka tayo kung bakit parang naghihirap na?
Anu-ano kaya ang mga dahilan kung bakit hindi
nila na-sustain ang kanilang pamumuhay at bakit
parang bigla na lang naubos ang kanilang pera?
Grabe parang “Talaga? Naubos yung pera n’ya?”
Hindi tayo makapaniwala na posible palang maubos
ang pera kahit napakarami nito.
Ilan sa mga dahilan ay:
They did not monitor their spending.
Hala sige! Gastos dito. Gasto doon. Sige lang
marami naman eh. Habang buhay may pera!
Ilang milyon naman yung kinikita eh.
Ganyan ang pananaw nila noon dahil alam nila
na marami silang pera. Bili ng kung anu-ano at
bigay ng kung anu-ano sa kahit na sinong tao.
Hindi na tinitingnan kung nasa’n ba napupunta ang
kanilang pera at kung tama pa rin ba ang
pinaglalagyan nito at kung ano ang halaga nito.
“Matagal ko nang gustong makabili nito!”
“Oh saang bansa naman tayo pupunta bukas?”
“Luma na yung sasakyan. Bili na tayo ng bago.”
Hindi na mahalaga kung magkano ang igagastos
basta dapat mabili ang lahat ng gusto, makapunta
sa kahit saan at matikman lahat sa mundo.
Dahil ang mindset…
They think they will never run out of money.
Pwede ba talagang mauubos ang pera kahit milyon
milyon naman ang kinikita? Ang sagot: Syempre naman!
Lalo na kung puro palabas lang ang pera natin.
Kailangan marunong pa rin tayong mag-save at
alam pa rin natin kung paano mapalaki ang pera
natin. Hindi naman sa pagiging greedy, ‘di ba?
Pero kailangan nating matutunan na mapalago pa
rin ang ating pera para sa future natin at sa future
ng ating pamilya at ng ating mga anak.
Remember, sa panahon na hindi na tayo kikita like
retiree na tayo, we will still be spending money, ‘di ba?
Kailangan pa rin natin ng pambili ng pagkain at iba pa.
Kaya mahalaga na alamin natin kung paano mag-invest
at turuan din natin ang ating mga anak at asawa para
hindi puro saya ngayon then pulubi na later.
Another reason why rich people became broke is because
They make bad investment choices.
Kung anu-ano ang mga binibii na hindi naman
sigurado kung legit ba ito. Parati pang nasa pasugalan
kaya lahat na halos nasasangla na sa pasugalan.
Hindi naman talaga investment ang pinapasukan
kaya imbes na mapalago ang pera, nawawaldas
lang din at hindi na namamalayan ito.
Tandaan, kapag maraming pera mas maraming tao
ang nananamantala at nanlalamang ng kapwa
kaya maging maingat at maging maalam sa gagawin.
Huwag nating hayaang masayang lamang ang ating
mga pinaghirapan para lamang sa saglit na saya
because we need to save for the rainy days.
So let’s not be a one day millionaire. Yes, we deserve to
have a happy and blissful life that we all want to have but
we also need to be knowledgeable in handling our money.
Dahil…
“Hindi masusukat sa halaga ng ginastos natin ang yaman natinkundi sa mga inipon at tamang investment na ginawa natin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang hangganan ng spending habits mo?
- Paano ka naghahanda para sa future mo at ng pamilya mo?
- Anu-anong legit investments at business ang alam mong pasukin?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.