Lagi na ba kayo nag-aaway mag-asawa? Halos
‘di na nagpapansinan. Magkasama man sa bahay
pero magkahiwalay naman ng kwarto.
Iniisip n’yo na para sa mga bata kaya magkasama
pa rin kayo. Pero nakikita naman ng mga bata na
hindi kayo nag-uusap at hindi na magkasama sa loob.
Walang gumagawa ng first move dahil pareho nang
pagod at parehong naghihintay. Paano ba maayos
ang away mag-asawa? Willing pa ba kayo maayos?
Let me share some practical tips on how to fight clean
with our spouse.
BE A GOOD SERVANT
“Ipagtimpla mo nga ako ng kape.”
“Ikaw naman magwalis noh kakalinis ko lang ng bahay.”
“Ikaw dapat gumawa n’yan hindi ako.”
Unang-una sa lahat, asawa natin ang kausap natin
hindi po kasambahay. Nag-asawa tayo hindi para
magkaroon ng alila at hindi rin tayo dapat magpaalila.
When I say “be a good servant”, it means we wholeheartedly
serve our spouses as a sign of our love. We should
serve our spouses willingly because we are happy to do it.
Hindi na dapat pag-awayan kung sino ang dapat gumawa
ng alin dahil maaari namang pag-usapan at pagtulungan.
Gagawin natin ito para mapasaya ang ating asawa.
Kasi kung maggagantihan lang tayo, hindi lang naman
natin sasaktan ang asawa natin, pati sarili natin dahil
may negative effects din ito
sa sarili natin mismo.
Kaya sa mga tampuhan at pag-aaway, we need to learn
to..
BE A BETTER SPOUSE
Hindi rin naman pwede na oo na lang tayo nang oo. Robot
na lang ba tayo? Sunod na lang nang sunod? Hindi ito
ang makabubuti para sa ating pagsasama at relasyon.
“Ako ang masusunod.”
“Mas alam ko naman ito eh.”
“Bahala ka sa buhay mo.”
Kapag wala na tayong boses sa ating pagsasama,
kailangan na itong mabago at dapat alam natin kung paano maipaliwanag ang punto natin sa ating asawa.
Subukan muna nating pag-usapan isa-isa ang
mga madalas na pinagtatalunan at sabihin
ang totoong saloobin natin at ang posibleng solusyon.
Kailangan nating respetuhin ang bawat isa at ang opinion
ng bawat isa dahil ang goal natin ay maayos natin ang
ating samahan at maging huwaran sa ating mga anak.
Kaya mahalagang tapat tayo sa ating asawa and
BE A BEST FRIEND
Yes. Hindi pa rin dapat nawala ang pagkakaibigan
sa mag-asawa. Kailangan nandyan pa rin ang suporta
natin at ang loyalty natin dahil mahalaga ang bawat isa.
We have to be honest with our spouse. Kung iniisip natin
na dapat nating ilihim sa asawa natin para hindi na
magkagulo, think again. Paano kung malaman n’ya?
Never justify our mistakes and lies dahil hindi ito ang
solusyon sa pagsasama natin at hindi rin ito ang
magpapatibay ng relasyon natin. So we need to be true.
Wala tayo sa laro para magtaguan at paikutin ang
ating asawa sa pagsasama na hindi naman nakakapit
sa pananampalataya at sa pag-ibig ng ating Panginoon.
Hindi maiiwasan ang pagtatalo pero kung handa tayo magsilbi, magbago at maging
tapat sa isa’t isa, maaayos ang anumang sigalot.
“Sa pagtatalo ng mag-asawa hindi ito paramihan ng pagkapanalo,
kundi kahandaan ng sarili sa totoong pagbabago.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga pinagtatalunan ninyo lagi ng iyong asawa?
- Asawa pa rin ba ang tingin mo sa iyong asawa o kaaway na ang tingin mo?
- Kailangan n’yo na ba ng tulong para sa pagsasama ninyo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.