Ang daming posts ang nakikita natin kaya minsan
parang nakapre-pressure na magpost din tayo ng maganda
para maraming likes at maraming positive comments.
Pero ano ba talaga ang purpose natin sa post natin?
Most of us ang dahilan natin is to show how blessed
we are and how grateful we are in that moment.
We might have different reasons why we post something
in social media, but let me also encourage you to be more sensible and responsible.
POST TO SHARE HAPPINESS
There is actually a thin line between sharing happiness and
boastfully sharing what we have. Ano ba ang purpose natin?
Mapasaya yung taong makakakita ng larawan or video?
O kaya naman maipagmayabang at maipagmalaki kung
ano ang mayroon tayo at kung nasaan na tayo? It’s hard
to tell sometimes the real essence why people posts.
Pero tayo na nakakakita ng post, hindi naman natin
obligasyon na tapatan kung ano ang mayroon sila. I mean,
kung may vacation photo mga kaibigan natin, just let it be.
Hindi natin kailangan ipagsiksikan sa schedule natin na
pumunta sa kung saan lalo na kung may pinaglalaanan
tayo ng ating budget. Kahit simple lang basta masaya.
Dati hindi naman natin kailangan magpost ng
kung anu-ano para lang masabi natin na masaya tayo ‘di ba?
We take photos and videos to treasure moments in our lives.
Another purpose we could have is to..
POST TO SPREAD NEWS
Let me clarify this. We spread the real news and not the
fake news. We post to inform other people around us and to
be updated of what is going in our country.
Ginagawa natin ito hindi dahil nagmamarunong tayo, but
because we also care about other people that might be
affected. So it’s our responsibility to really know the truth.
Hindi lang din tayo basta share nang share at gawa nang
gawa ng mga kakaibang dare lalo na kung kaligtasan na
natin at ng ibang mga tao ang nakasalalay.
Syempre hindi lang din literal na balita ang titingnan natin
pati na rin ang latest updates ng buhay ng mga kaibigan
natin at ng mga kaanak natin. We have to be honest.
Mahirap kasi na ang ganda-ganda at ang saya-saya sa
picture pero sa totoo naman pala ay magkaaway at
magkagalit din pala. Anong point?
Because we also have to..
POST TO SERVE GOD
Ito bang post natin makatutulong para maka-good vibes
ang ibang mga taong makakakita nito? O may pagkakataon ba na ang gusto lang natin ay may mainis or may maawa?
Mahalaga ba talaga ang opinyon ng ibang mga tao at
mga reaksyon nila? O nakaka-stress lang kapag nagpost
tayo at walang nag-like o nagreact? Kapag ganito na…
Stop.
Bakit tayo nag-post na kasama ang ating pamilya? Dahil
blessed tayo, dahil masaya tayo. Pero nasabi mo ba o
naparamdam mo ba na talagang blessed ka sa pamilya mo?
You posted or shared a religious quote to inspire yourself
pero talaga bang lumalapit ka sa Panginoon? Gets n’yo?
We need to be more genuine to ourselves and to God.
“Photos are simple parts of the bigger and deeper storiesbut the stories we created are the ones we treasure in our memories.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang mas malalim na kwento ng post mo?
- Ano ang iyong main purpose at goal para sa post mo?
- Gaano ka naapektuhan sa mga comments ng ibang tao sa posts mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.