I am sure narinig n’yo na yung YOLO.
You Only Live Once na pananaw kaya enjoy life to the max!
Magpakasaya na ngayon na parang wala nang bukas.
Here’s the problem with that. May mga desisyon
din tayo sa buhay natin na hindi lang makakaapekto
sa buhay natin kundi pati na rin sa buhay ng iba.
Kung extreme pa at ikapahamak natin ang ating ginawa,
kung mawala man tayo, kawawa naman
ang pamilyang basta na lang natin iniwan.
So let me give pieces of advice mga kapatid.
CHOOSE YOUR FRIENDS
Yes. “Birds of the same feather flock together.” Alam
natin ang kasabihang ito. Kung lagi nating kasama ay
mga sugalero, chances are magiging ganun din tayo.
Kung puro mahihilig makipag-inuman tuwing sweldo
na parang walang pamilya na pinapakain, may chances
na magaya tayo sa kanila at maging katulad sila.
Mahirap maging mahirap pero mahirap din yung
papadpad tayo sa mga maling tao sa paligid
natin. Alam kong hindi na tayo mga bata.
Kaya dapat mas may isip na tayo na bumuo ng sarili nating
desisyon at maging mas responsable sa mga gagawin
at sa mga pipiliin nating aksyon sa ating buhay.
We can’t expect na mababago natin ang ibang mga
tao kung ang sarili natin ay hindi nga natin ma-kontrol
at maturuan ng kung alin ang mas makabubuti.
Kaya mahalaga that we..
THINK OF THE LONG TERM EFFECT
Kailangan makapagdesisyon na tayo para sa future.
Hindi lang tayo basta-basta gagawa ng desisyon na
pagsisisihan natin sa mga susunod na araw o taon.
“Sana pala ‘di ko yun ginawa noon.”
“Sana nakinig ako sa mga payo nino.”
“Sana mas pinaghandaan ko.”
Mahirap kasi kung kailan nandyan na saka natin
iisipan pa lang ng solusyon lalo na kung maaarinaman
nating agapan sana ang mangyayari.
Hindi naman pwede na bahala na at saka na lang
lalo na kung maaapektuhan pati ang ibang mga tao
dahil kailangan matutunan natin ito sa ating buhay.
Kung minsan na tayong nagkamali, huwag na nating
sundan pa ito at palakihin o dagdagan pa dahil para
tayong kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo natin.
Remember that we have to find a solution and
never be part of another problem, so..
DON’T MAKE ANOTHER PROBLEM
‘Yan yung kasabihan na ang problema kailangan
hanapan ng solusyon at hindi lang pinuproblema.
Kasi kung isip lang tayo nang isip at walang aksyon,
walang mangyayari sa buhay natin at puro na lang
pagsisisi ang mangyayari at mapupuno tayo ng
“sana” sa buhay natin na hindi naman dapat.
Kailangan natin simulang gumawa ng mga bagay
na magpapasaya sa ‘tin without harming ourselves
and others.
Kaya sa bawat gagawin nating desisyon, isipin natin
kung masaya ba talaga tayo pagkatapos nito or
masaya rin ba ang mga taong mahal natin sa buhay.
Dahil kung ang dahilan lang natin ay panandaliang
limot at saya, sinayang lang natin ang ating panahon
at pagkakataon na mas makahanap ng totoong
kaligayahan.
“Ang kaligayahan natin ay ang totoong katahimikan sa buhay,
kaya gumawa nang tamang solusyon upang maalis ang lumbay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa mo sa iyong buhay?
- Paano mo ito hinarap at paano ka bumawi mula sa pagkakamaling ito?
- Anu-ano ang mga natutunan mo sa buhay na nais mong ibahagi sa iba?
=====================================================
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.