Let me take this opportunity to write a blog para
sa katulad kong ama na rin at syempre para rin
sa aking ama. It’s a very special day for us.
Hindi naman natin kailangan mag-celebrate nang
bongga, pero masarap lang din isipin na may isang
araw maliban sa Pasko at birthday, na para sa atin.
Sa atin na mga ama at sa ating mga ama.
Napapaisip tuloy ako kung paano ba ako bilang
isang ama at bilang anak sa aking ama.
Then naisip ko uli na ang ama ay marami talagang roles…
SI TATAY BILANG PULIS
“Sino ang mga kasama mo?”
“Anong oras ang uwi mo?
“Tawagan mo ako kung kinakailangan.”
‘Di ba may investigation muna bago tayo payagan sa
mga lakad natin. Kailangan naka-report din. Hindi
naman para maghigpit sa atin pero para rin sa ating safety.
Ngayon na ama na rin tayo, gusto rin natin na kampante
ang loob natin dahil nasa mabuting kalagayan, nasa
maayos na lugar, at malayo sa kapahamakan ang ating mga anak.
Ayaw nating maligaw ng landas ang ating mga anak kaya
iniiwas din natin sila sa mga tao at sa mga gawain na
hindi naman makabubuti para sa kanila at sa ibang tao.
Walang ama na gugustuhing magkaroon ng magulong
buhay ang kanilang mga anak. Kaya lahat ng paraan ay
ginagawa para magkaroon ng maayos na kinabukasan.
Kaya minsan, kahit hindi naman natin forte, inaalam pa
rin natin para maka-connect at maturuan sila dahil tayo
ay may isa pang role.
SI TATAY BILANG COACH
“Kaya mo ‘yan. Bigay mo ang best mo.”
“Madali lang ‘yan basta sundin mo lang yung tinuro ko.”
“Huwag kang matakot. Basta subukan mo lang.”
Darating din sa punto na hindi na natin kailangan pa
i-spoon feed sa ating mga anak ang dapat nilang gawin.
Kailangan ay maituro natin kung paano ito gawin.
Bilang isang coach, hindi naman tayo palaging nandoon
sa lahat ng laban nila sa buhay, pero mahalaga na
magabayan natin sila sa kung paano humarap sa laban.
Kailangan nating maniwala sa mga kakayahan ng ating mga
anak para mas mapalakas din natin ang kanilang loob.
Ito na rin ang nagiging bonding natin minsan dahil
nakikita nating masaya sila sa kanilang ginagawa at
nakikita natin ang kanilang puso para dito.
Kaya tayo rin, bilang ama kailangan din natin
maging mabuting huwaran sa kanila dahil mataas
ang tingin nila sa mga amang responsable.
SI TATAY BILANG ISANG BAYANI
“Gagawin ko ito para sa ating pamilya.”
“Lagi kang maging mabuti sa iba.”
“Mahalin mo ang iyong bayan.”
Ganito naman talaga tayo, bilang ama at asawa,
gagawin natin ang lahat ng makakaya natin para
mabigyan ng magandang buhay ang ating pamilya.
Pero kailangan din nating isipin palagi kung alin
ang makabubuti sa ibang tao. Hindi lamang para
sa ating pamilya ang lahat ng gagawin natin.
Kailangan din maturuan natin ang ating mga anak
kung paano tumulong at magmalasakit sa ibang
tao. Hindi lang proteksyon ang gagawin natin.
Kailangan imulat din natin sila sa totoong mundo.
Darating ang araw na magkakaroon sila ng sarili
ring pamilya. Kaya mahalagang may puso sila.
“Ang tunay na mabuting ama ay hindi lamang matapang,
kundi may pusong marunong magmahal na hindi nagyayabang.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga magandang naituro sa iyo ng iyong ama?
- Anu-ano ang gusto mong maituro sa iyong mga anak?
- Ano lately ang bonding ninyong mag-ama?
_________________________________________________
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.