Alam kong mahirap na mawalay sa pamilya.
Kaya yung mga OFW natin na kumakayod nang
husto sa ibang bansa, para sa inyo ang blog na ito.
Marami ang umaalis at kailangan iwan ang pamilya
dito dahil mas mataas ang kita at mas mabibigyan
natin ng magandang buhay ang ating pamilya.
Pero maliban sa dahilan na ito, kailangan din ay alam
natin kung hanggang kailan tayo mawawalay sa ating
pamilya. Hindi dapat ito maging permanente.
Kaya kailangan mapag-usapan at mapag-isipan ito.
SET A PLAN
Set a plan, ibig sabihin after 10 years dapat may ganitong
ipon na at may naipundar man lang. O kaya naman, pag-
katapos ng ganitong taon, dapat makauwi na for good.
Pwede rin na sa ganitong taon, makukuha mo na ang
pamilya mo at makasama mo na rin sila. Kailangan
ito para may direction at purpose ang pag-alis n’yo.
Kasi kung wala, gusto lang natin ng malaking kita,
magiging pera ang dahilan natin instead na dapat ang
pamilya ang purpose natin sa ating ginagawa.
Kailangan din pag-usapan ninyong mag-asawa at gayun
din ng mga anak. Para kung anuman ang mga ipapadala na
pera ay may pinaglalaanan ito.
Kung ang plan n’yo, magpatayo ng bahay. Kailangan
talagang majority ng pera na pinapadala ay napupunta
para sa pagpapagawa ng sarili ninyong bahay.
STICK TO YOUR GOALS
Kailangan kasi nagtutulungan ang taong umalis para
magtrabaho sa ibang bansa at ang pamilya na naiwan
dito sa ating bansa. Para hindi masayang ang taon.
Kung goal ninyo ay makaipon ng pagpapaaral sa mga
anak, dapat din yung mga anak ay talagang nag-aaral
nang mabuti at hindi sinasayang ang mga padala.
Tandaan na hindi habang buhay ay kaya nating mag-
trabaho sa ibang bansa na mag-isa o malayo sa ating
pamilya. Kaya dapat may plan tayo at stick tayo doon.
Hindi ibig sabihin na dahil nasa ibang bansa si daddy ay
kung anu-ano na lang ang ipabibili natin na hindi naman
natin talaga kailangan. O kaya puro inuman lang.
Kung ang anak naman natin ang nasa ibang bansa,
huwag din nating sayangin ang mga pinapadala sa atin.
Matutong mag-ipon lalo na para sa emergency.
Then kung may deadline tayo, kailangan din pag-uwi
natin, hindi tayo nganga at walang gagawin sa buhay.
Mas maganda kung nakapagsimula na rin ng business.
PUT UP A BUSINESS
Yes. Isipin din natin na mas maganda ang may back-
up plan palagi. Mahalaga na pag umuwi tayo sa bansa
natin, may income pa rin na pumapasok.
Tingnan natin ang mga produkto na wala sa bansa natin
na mayroon sa bansa na nag-work tayo. Halimbawa
sa pagkain, anong pagkain sa tingin natin ang pwede dito.
Yung pagkain na kakaiba o kaya bihira lamang dahil iilan
lamang ang nakakakain o nakakaalam nito. Pwede rin naman
na magdala rin tayo sa ibang bansa ng ating produkto.
Para naman sa mga kababayan nating OFW. Kailangan
lang maging creative para may back-up plan at mas maging
successful. At sa gayun, makasama natin ang ating pamilya.
Isipin natin ang future at hindi lang dahil gusto natin mag-travel
at mag-vacation. Walang masama dito basta dapat ay may
goal at deadline tayo para hindi sayang ang bawat panahon.
“Hindi masama na maghangad ng mas magandang sahod
at mas malaking kita sa pagtatrabaho natin sa ibang bansa.
Ang mahalaga, hindi natin sinasayang ang ating pagod
at may magandang pinaglalaanan tayo para sa pamilya.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong plano ninyo after 10 or 20 years?
- Kailan mo balak umuwi for good? Or kailan mo dadalhin ang pamilya mo para magkasama na kayo?
- Anong plano mo kapag huminto ka na sa pagtatrabaho sa ibang bansa?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.