Normal lang naman na may pinagdadaanan tayo na
pagsubok sa buhay. Hindi naman natin ito totally na
maiiwasan, pero pwede nating masolusyunan.
Bakit may mga tao na nalalampasan ang mga pagsubok
sa buhay kahit gaano pa ito kabigat? Bakit din naman
may ibang mga tao na hirap maka-move on sa problema?
Ilan lang ito sa mga tanong na gusto kong mapag-
usapan dahil sa buhay kailangan talaga natin ng mental
toughness para mag-survive sa ating buhay.
Ilan sa mga paraan para maging positibo sa buhay is to
CHOOSE POSITIVE PEOPLE
“Kailangan nating gawan at hanapan ito ng paraan.”
“Paghandaan na natin ang mga posibleng mangyari.”
“Kakayanin natin ito dahil alam natin ito.”
Ilan lamang ito na maaari nating marinig mula sa taong
alam ang kanyang sinasabi at positibo sa kanyang
gagawin. Kaya piliin natin ang ganitong kaibigan.
Maraming tao sa paligid natin na maaaring makadagdag
lamang sa problema natin o kaya naman ay mismong
source ng ating problema, kaya kailangan iwasan ito.
Huwag nating hayaan na maging negatibo rin tayo sa
pag-iisip o kaya naman ay hayaan ang ibang tao na
magdikta sa atin dahil responsibilidad natin ang ating sarili.
Pumili tayo ng mga taong maganda ang magiging
influence sa atin. Dahil kung gusto nating ayusin ang ating
buhay, kailangan maayos din ang taong kasama natin.
Another way to stay positive is to
READ GREAT BOOKS
Mahirap na lagi na lang tayo nakababad sa tv at nanonood
ng mga teleserye na kung minsan pa ay talagang nagpapa-
init din ng ulo natin at nagiging reason ng ating stress.
Hindi naman masama ang manood ng mga teleserye
pero mahalaga rin na may binabasa tayo na maganda.
Something that will inspire us and that will make us grow.
Ito yung mga libro na makatutulong sa atin to be more
successful in life and be more motivated para harapin
ang mga hamon natin sa ating buhay araw-araw.
Reading good and great books will also teach us
how other people handle life and face their own trials.
Sa ganitong paraan, may maganda tayong napupulot.
Imbis na ubusin natin ang bawat oras natin sa tsismisan
at buhay ng ibang mga tao, we should learn how
successful people become successful in their lives.
Another way to remain positive is to
SAY AFFIRMATIVE WORDS
“Kaya ko ito. Magagawa ko ito.”
“Matatapos din ito at mababayaran ko lahat.”
“Masosolusyunan ko rin ito.”
Yes. Kailangan natin ito. Kailangan nating maging
positibo hindi lamang sa iniisip natin kundi pati na rin
sa sinasabi natin sa ating sarili araw-araw.
Kung bawat umaga mula sa pagmulat ng ating mga mata
ay negative agad ang sinasabi natin sa ating sarili, hindi ito
makatutulong upang gumaan ang ating araw.
Mahalaga ang bawat salitang sinasabi natin sa ating
sarili. Tayo ang unang dapat na magpahalaga sa
ating sarili at hindi ang ibang mga tao.
Kailangan araw-araw nating sabihin ang mga positibong
salita na may kalakip din naman na positibong gawa
hanggang sa maisakatuparan natin ang ating mga minimithi.
Kailangan nating maniwala at magtiwala sa ating sarili mismo.
“Tayo ang gagawa ng paraan para maging positibo sa buhay.
Tayo ang may control nito at ang Panginoon ang ating gabay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sinu-sino ang mga taong nakapaligid o madalas mong kasama na maganda ang epekto sa ‘yo?
- Anu-anong libro ang mga binabasa mo para makatulong sa ‘yo?
- Anu-ano ang mga madalas mong sinasabi sa sarili mo kapag pinanghihinaan ka ng loob?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.