Madalas na ba tayong nakaririnig lately ng…
“Aalis ka na naman?”
“Hindi ka ba pwedeng mag-stay muna sa bahay?”
“Bonding naman tayo kahit tuwing Sunday lang…”
Yung tipong nagde-demand na ang pamilya natin ng ating time.
Yung kahit konting oras ay madalang na lang nating naibibigay.
Dahil madalas ang ating oras at panahon ay kasama ang barkada.
Ang demand ng ating pamilya ay baka sign na
masyado na tayong napapabarkada?
Kung umabot na tayo sa ganitong sitwasyon lately,
here are the top three that might help us in this:
RETHINK AND RESET OUR PRIORITIES
When we recommit this year’s resolutions,
do we still remember the sequence of our priorities?
Ano ang top priority natin? Ang sunod sa pinakauna?
Ikatlo? Ikaapat at ikalima? Naisasagawa pa ba natin?
O baka naman ang pang-lima na priority ay nangunguna na.
Kaya nagkakaroon ng problema sa relationships at family.
Baka ito yung panahon na kailangan natin bumalik
sa nagawa nating set of priorities at ang pagkakasunod nito.
Remembering our relationship towards our family first before our friends.
SET A FAMILY DAY AND MAKE IT NON-NEGOTIABLE
The real secret to keep them
from demanding our time is to give them one.
Hindi para matigil na ang araw-araw na reminders sa atin,
kundi dahil mahal natin sila and we delight
in spending quality time with them even without their demands.
Sabi nga nila, kung importante at dearly loved natin,
we always make sure to give them what’s priceless – TIME.
More than the things we buy for them, or give them.
Let us schedule a day with our family and make it non-negotiable.
Kung meron man tayong inuunang pagtuunan ng pansin,
lalo na towards nurturing relationships, iyon ay ang ating pamilya.
Dahil sila ang pinakauna nating nakasama, karamay at kaibigan
bago pa natin nahanap ang nasasabi nating mga tunay nakaibigan.
BALANCE EVERY RELATIONSHIP WE HAVE
Sa bawat relationship na meron tayo,
we must not forget na i-balance ang lahat.
Tandaan na ang lahat ng sobra ay masama,
at ang kulang naman ay hindi maganda.
If demands in the world and relationships will soon pressure us,
let us not forget to stepback and evaluate.
“Napapasobra na ba ang pag-gimik ko with friends?”
“Kailan ko ba huling nakasama yung pamilya ko?”
“May pagkakataon bang nakausap ko si Papa this week?”
Yung mga simpleng tanong katulad nito
ay nakatutulong para mag-self check.
Let us not neglect to spend quality time with our loved ones.
“Magkaroon ng sapat na oras sa pamilya higit pa sa pag-gimik kasama ang barkada.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
Kailan mo huling nakasama at nakausap nang matagal ang pamilya mo?
Mas marami bang oras at panahon ang nailalaan mo sa mga barkada?
Ano ang pwede mong magawa this week para i-balanse ang iyong relationships?
*********************************************************
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.