Madalas ang tanong sa akin ay kung ano ang sekreto
para magtagumpay at paano maging successful
sa negosyo or sa chosen career sa buhay.
Pero napapaisip din ako. May sekreto nga ba?
Marami na rin tayong napanood na mga video
interviews from successful personalities and people.
Marami na rin ang naibahagi na kwento ng kani-kanilang tagumpay sa buhay, kaya sekreto pa nga ba ito?
Let me just highlight the most common things that
a successful person always do.
READ. READ. READ.
Yes. Successful people always read books. Not just books
but real good books. Something that will inspire and help us to pursue our purpose.
Imagine if you watch a telenovela for almost five hours,
then compare it when you read a good book even just for an
hour or two hours a day. Saan tayo mas may natutunan?
Imagine kung halos kalahati ng araw natin nasa labas lang tayo
at nakikipagtsismisan then compare it when you read a good book. Saan mas naging makabuluhan ang araw at oras natin?
Hindi naman bawal manood at makipagkwentuhan sa iba,
pero kailangan din na mas makabuluhan ang
paggagamitan natin ng ating panahon sa buong araw.
Make sure to read, share and inspire others as well.
Kung makabuluhan din naman ang pinapanood natin o
ang pinag-uusapan natin, makabubuti rin ito sa atin.
Syempre mahalaga rin to
HAVE A SUCCESSFUL MODEL
Mainam din na may mga hinahangaan tayo na mga artista
o kaya mga singers or dancers. Pero kailangan din
natin ng mga inspirations and mentors na successful.
Sila yung mga taong hinahangaan natin hindi lang dahil
maganda o gwapo. Pero mas mahalaga dahil sa
kanilang sariling kwento ng tagumpay at pagsusumikap.
Hindi lang natin papangarapin na mapunta sa limelight
kundi kung paano maging successful sa pinili nating
buhay at mapanatiling on top sa career natin.
Find someone that we can actually look up to dahil
magaling sila at nakikita natin ang kanilang purpose.
Yes. Kailangan natin ng inspirasyon na hindi
lamang dahil magaling sila sumayaw at kumanta, kundi
mga taong makatutulong para abutin ang ating pangarap.
Because we should always
THINK OUTSIDE THE BOX
Hindi naman mali na humanga sa ibang mga artists,
pero hanap din tayo na mga taong may magandang
pananaw at magaling magpatakbo ng kanilang buhay.
Hindi lang dahil uso, kailangan natin makipagsabayan.
Ang mahalaga ay mahanap natin ang talagang susi ng
ating sariling tagumpay at para maging inspirasyon din.
Tama. Kapag tayo naman ay nagtagumpay na rin sa
ating career or business, tayo naman ang mag-inspire
at tumulong sa iba na gusto ring magtagumpay.
Parang chain effect lang. Pero magandang chain effect
ito dahil habang nagtatagumpay tayo, may mga kasama
tayong nagtatagumpay at masaya rin sa kanilang buhay.
Kaya huwag magsayang ng panahon at ng araw.
Maging mapanuri sa pagpili ng mga babasahin at susundin.
Tumulong sa iba upang sila rin ay maging masaya at masagana.
“Do the winning actions to be successful
and help others to make their lives more meaningful.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pangarap mo sa buhay?
- Sinu-sino ang mga tao o personalidad na tumutulong sa ‘yo upang abutin ang pangarap mo sa buhay?
- Paano ka makatutulong sa iba na abutin ang kanilang pangarap?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.