Lahat naman tayo ay may mga pangarap. Lahat
tayo may gustong mangyari sa ating buhay. Pero
natutupad ba natin ang mga pangarap natin?
Bakit parang sa iba napakadali lang nila makuha ang
kanilang gusto? Bakit ang iba naman lahat na ginawa
pero wala pa ring nangyayari sa pangarap nila.
Anu-ano ba dapat ang gawin? May formula ba para
maging successful sa buhay? Kung mayroon bakit hindi
lahat ng tao gamitin na lang ito para maging masaya.
In this blog I will share the keys towards success.
KALAKASAN
Hindi lang ito physical strength, ito ay kalakasan natin
sa pangkabuohan. Ito ang kakayahan natin na kumilos
para may makabuluhan na mangyari sa buhay natin.
Ito rin ang kakayahan natin na mag-adapt sa ating
paligid lalo na kung may pagbabago na nagaganap
sa ating buhay na maaaring makaapekto nang malaki.
Ang kalakasan din na ito ay nagpapakita na hindi tayo
agad nagkakasakit at kung magkasakit man ay madali
tayong maka-recover at makabalik sa gawain natin.
Kailangan natin ito upang maabot natin ang ating mga
pangarap. Kailangan ay handa ang ating buong sarili
at hindi lamang ang ating pisikal na pangangatawan.
Ang kalakasan din na ito ay nagsasabi na tayo ay
malusog at maingat sa ating pangangatawan. Tayo ay
may disiplina sa ating kinakain at ginagawa sa araw-araw.
Isa pang mahalagang bagay para maging matagumpay ay
KAALAMAN
Paano natin magagawa ang isang plano kung hindi naman
natin alam kung paano ito gawin at kung paano man lamang
ito simulan. Kaya mahalaga ang kaalaman sa ginagawa natin.
Paano naging champion si Manny Pacquiao? Paano sumikat
si Lea Salonga? Paano nanalo si Catriona Gray? Ilan lamang
sila sa mga taong inalam nang husto ang tinatahak nila.
Kung isa kang sundalo, hindi ka pwedeng sumabak na lang
nang walang paghahanda. Kailangan alam mo ang mga dapat
mong gawin. Ganun din sa ating mga pangarap sa buhay.
Kailangan ay alam natin ang gusto talaga natin. Hindi maari
na gusto nating maging successful pero hindi naman natin
alam kung saan natin gusto maging successful.
Mahalagang unti-untiin ang mga ginagawa natin para hindi
tayo mabigla o ma-overwhelm sa mga kaganapan sa ating
paligid. Isiping mabuti ang mas mahahalagang bagay.
At higit sa lahat ay ang
INTEGRIDAD
Ito ang kakayahan natin na humindi sa mga bagay na
taliwas sa ating moral values. Ito ang pagiging tapat sa
ating tungkulin kahit hindi na kailangan pang bantayan.
Mahalagang mayroon tayo nito. Balewala ang lakas at
kalaman natin kung wala tayong integridad. We have to
gain this from other people as well. We don’t enforce it.
Yung kahit iwan tayo ng boss natin, alam niya na gagawin
natin ang dapat at ang tama.
Yung para makaiwas tayo sa temptation, hindi na tayo
nagpapadala sa ibang tao. Alam natin ang ating kahinaan
kaya tayo na mismo ang may kusang gumagawa ng paraan
para maiwasan ito.
Mas mahalaga ang paunti-unti para sa ating pangarap.
Kung gusto nating makagawa ng libro, unti-untiin natin ito.
Hindi natin matatapos ang isang libro sa isang araw, pero
pwede tayong makagawa ng limang pahina sa isang araw.
“Walang short cut at easy access sa tagumpay ng buhay,
kaya mahalagang may integridad, lakas at isip na matibay.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Paano mo hinahanda ang iyong sarili bawat araw?
- Gaano katibay ang iyong paniniwala sa iyong mga kakayahan?
- Anu-ano ang iyong mga kahinaan at paano mo ito maiiwasan?
————————————————
Discover the Secrets that Made Successful Chinoypreneurs Wealthy and How To Apply Them In Your Business and Life for only P799. May ONE YEAR ACCESS pa!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here: https://lddy.no/8vd7
**For a limited time only, you can access ALL 12 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.