Sa negosyo, hindi ibig sabihin na naging successful
ang isang tao sa ganoong negosyo ay dapat ganun
na rin ang pasukin nating negosyo o industry.
Kada tao ay may kanya-kanyang passion kaya
mahalaga ang self-awareness. Kailangan na alam
din natin ang babagay na negosyo para sa atin.
Hindi lamang income o profit ang iisipin natin dahil
kung wala tayong background sa business na ito,
kapag nagkaroon ng challenges, tiyak na mahihirapan tayo.
In this blog, I will discuss some qualities that every
entrepreneur should have..
RESILIENT
Ito ang katangian na kayang makabangon agad
pagkatapos ng isang malaking suliranin. Kaya
niyang maka-recover agad at makabalik.
Halimbawa may dumaang bagyo sa lugar at
naapektuhan nang husto ang negosyo, kahit
ganito ay makababangon pa rin muli.
Kailangan ganito tayo mismo para maging resilient
din ang ating negosyo. Dahil kung tayo mismo ay
bibigay, babagsak din ang ating negosyo.
Kaya mahalaga na matibay ang ating loob, at may mga Plans A and B tayo
para sa mga pagsubok na maaaring dumating.
Along the way, matututunan nating patibayin ang
resiliency natin. Kaya mahalaga rin na may support
group tayo para ma-encourage tayo lalo na sa mga
panahon na kailangan natin ng tulong.
Kaya dapat din ay inspired tayo to be more..
PRODUCTIVE
Mahalaga rin na kahit tayo ang boss ng ating sariling
negosyo, kailangan ay alam natin kung paano maging
productive at gamitin ang ating oras nang tama.
Hindi tama na hahayaan na lang
natin ang ating mga empleyado sa kanilang mga ginagawa.
Kailangan ay hands-on talaga tayo sa business.
Sa simula tayo talaga ang gagawa nang halos lahat.
Tayo ang gagawa ng sarili nating sistema at kada taon
kailangan ay may innovation rin para sa growth natin.
Kailangan lagi tayong up-to-date sa mga nangyayari
dahil mahirap na mapag-iwanan lalo na kung mataas
ang level ng competition sa industry na pinili natin.
Mahalaga ang bawat panahon. Dapat hindi natin ito
sayangin gayun din ng ating mga piniling empleyado.
Alam dapat natin ang ating mga priorities sa business.
Kaya dapat tayo rin mismo ay..
CREATIVE
We also have to think outside of the box. Kung ano
ang nao-offer natin presently, try natin na i-improve pa o
kaya naman ay lagyan natin ng ibang itsura.
Focus tayo sa mga needs ng ating mga customers
at isipin natin kung paano natin sila lubos na matutulungan.
Hindi lang tayo magfo-focus sa kung ano ang
maganda sa paningin ng mga tao pero sa kung gaano
kahusay ang quality ng ating produkto at service.
We need to explore the world and be inspired. Take
some things around us and discover new possibilities.
Dare to try more. Consider each idea that comes to our mind.
Ask questions because at the end of the day we are
all customers in our own way. Ask: Bakit ko ito bibilhin?
Makatutulong ba ito sa problema ko?
“Going into business takes a lot of responsibilities
and that is why we need to master these qualities.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Gaano kabuo ang iyong loob sa pagbuo ng iyong negosyo?
- Paano mo ginagamit ang iyong panahon para maging mas productive?
- Anu-ano ang mga inspirasyon mo para mas maging creative ka?
Discover the Secrets that Made Successful Chinoypreneurs Wealthy and
How To Apply Them In Your Business and Life for only P799. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here: https://lddy.no/8vd7
**For a limited time only, you can access ALL 12 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.