Ano ang mas madalas nating iniipon lately?
Umayon na rin ba tayo sa sanlibutan at mas matimbang na rin sa atin ang
materyal na bagay? Tuluyan na rin ba nating nakalimutan ang kahit simpleng
pasasalamat sa Diyos?
Napagtanto ba natin na ang pinaka-importante pa rin sa buhay ay
ang pagkakaroon ng relasyon sa Diyos, at ang pagtulong sa kapwa
na bunga ng ating pagmamahal sa Kanya?
Dahil the real secret ng kayamanan na itinatanim sa langit ay…
PAGTULONG SA KAPWA NANG WALANG KAPALIT
Nasanay na siguro tayo na mostly
sa mga kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa
ay umaasa tayong may maganda ring kapalit.
Hindi maipagkakailang ganito ang kalakaran dito sa mundo.
But if we will set our eyes on treasures in heaven,
kahit siguro walang “thank you” tayong matanggap
ay okay lang, knowing na ang iniipon natin
ay kayamanan sa langit at hindi sa lupa na pansamantala lamang.
Kaya ano ang unang dapat na tandaan natin?
Tumulong tayo nang bukal sa kalooban.
Walang “what if”, walang ibang rason, walang times up.
Dahil ang paggawa ng mabuti na hindi inoobliga ay isa ring pagsubok
ng…
KABUTIHAN NG KALOOBAN AT KARAKTER
Sabi nga nila, maaaring manakaw ang iyong ari-arian
pero hindi ang kabutihan ng iyong kalooban.
Madalas siguro tayong nagtataka
kung bakit may mga pagkakataon na puro tayo problema.
Tinatanong ang Diyos ng “bakit?” at “hanggang kailan?”
Naniniwala ako na ang lahat ng ito ay pagsubok
sa paghulma ng ating puso at karakter.
Ang materyal na pag-aari at posisyon sa buhay
ay hindi rin sapat para matukoy ang lebel ng kabutihan ng tao.
Muli kong ipinapaalala, hindi natin madadala sa langit
ang bahay at lupa, malaking savings sa bangko at iba pa.
Dahil ang pinaka-importante sa lahat ay…
ANG ATING RELASYON SA DIYOS
May nakapagtanong sa akin dati,
“Kung mamamatay ka, gaano ka kasigurado
na mapupunta ka sa langit?”
Sa totoo lang, yung mga oras na yu’n,
“Hindi ako sigurado” ang sagot ko.
Pero sa paglipas ng panahon,
natutunan kong bigyang halaga
ang pagkakaroon ng relasyon sa Diyos.
Ang yaman, ari-arian, negosyo, fame,
at mga bagay sa mundo, lahat ng ito
hindi naman talaga natin madadala sa langit.
Pero ang pagkakaroon ng relasyon sa Diyos,
at pagiging ligtas through our faith in Jesus ay ibang usapan.
Kasama ang good works bilang result
ng ating pagmamahal sa Diyos ay katumbas
ng pag-iinvest ng kayamanan na panlangit.
Ito sana ang hindi natin makalimutan.
“Huwag tayo masyadong masilaw sa kayamanan na panlupa.
Mag-ipon din tayo ng kayamanan na panlangit.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang focus ng ipon mo ngayon?
- Dumating na rin ba sa punto kung saan masyado kang naging focus sa materyal na bagay?
- Paano mo mababago ang mindset na ganito?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.