We are indeed very thankful sa mabilis
na pag-unlad ng teknolohiya sa henerasyon ngayon.
Mas napadadali ang mga trabaho natin,
at mas madali na ang communication sa bawat isa.
Pero gaya ng ibang bagay sa mundo,
technology has its disadvantages lalo na sa paggamit ng
ating cellphone.
Imagine this, pag-uwi natin ng bahay na pagod at drained.
While seeing our family na buo sa hapag-kainan;
masaya, nagkukwentuhan at nagbibiruan.
Then here we are, masyadong busy sa pagpindot sa cellphone.
Nabibigyan kaya natin ng sapat na oras ang ating pamilya
sa ating ginagawa? Knowing na from our work,
halos computer na rin ang kaharap natin.
Kaya bago pa tuluyang nakawin ng cellphone
ang oras natin sa ating pamilya, here are three things that we can
do to make time with them:
PUT OUR CELLPHONES OUT OF OUR REACH
Ang hindi siguro natin madalas na mapansin
ay ang madalas na paggamit natin ng cellphone
everytime na maabot natin ito o nasa tabi lang natin.
The more na mas madali para sa atin na abutin ito,
the more na mas malapit ang temptation.
If we are serious on spending time with our family,
dapat ay kakayanin nating i-sacrifice ang pansariling kagustuhan.
Pwede tayong maging praktikal by putting boundaries
sa loob ng bahay o kwarto natin.
Sabihin man nang iba na maliit na bagay
ang pagsasantabi ng ating gadgets just to be with our family,
para sa atin ay big deal ito. We can start little by little hanggang sa
maging habit na.
FILTER THE MESSAGES OR NOTIFICATIONS NA SASAGUTIN
One of the tendencies why sometimes we cannot resist
not to use our phones are the messages and notifications coming in.
Hindi naman sa ipinagbabawal all the way,
but then again, setting boundaries at the same time.
May mga pagkakataon kasi na hanggang sa bahay
ay hindi maiwasang dalhin ang trabaho na dapat ay sa opisina lamang.
We can silent our phone or put in “do not disturb” mode for a couple of minutes.
Then we can filter the messages or notifications we can answer and entertain.
Kung work concern, pero ‘di naman urgent, we may set it aside and answer it the
next day when going to work. Kung personal concern naman, we can answer it
but with limitations until what time ang ating conversation. Hindi siguro namamalayan
ng iba na inaabot na pala sila ng one to two hours just by answering chat and messages.
SET A SPECIFIC TIME SLOT WHEN TO USE OUR PHONES
Kaya dapat ay may specific time tayo ng paggamit ng ating cellphones.
This is also a way to discipline ourselves toward using gadgets.
Too much using of these might cause us illnesses that can be severe later
on if hindi maagapan.
Limiting ourselves from using gadgets and setting a duration on using it
is also one way of taking care of ourselves, aside from nurturing a quality time
with our family. Kaya’t bago tayo ma-addict sa ating gadgets at mawalan ng time
for our family, let’s remember this always…
“Magkaroon ng sapat na oras sa pamilya pagkatapos ng trabaho.
Iwasan muna ang paggamit ng gadgets at pagce-cellphone.”
-Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker.
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ilang oras ka na bang nagbababad sa cellphone in a day?
- Are there applications on your phones that are attracting much of your attention?
- How soon can you take action to this kind of habit?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
- Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
- Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
- Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.