Kung marami na kayong nabasang blogs ko, I’m sure
madalas n’yo na ring nababasa ang salitang priorities.
Gaano nga ba kahalaga na malaman natin ang ating
sariling priorities?
Naranasan n’yo na ba yung pumunta sa palengke o
kaya naman sa grocery at wala kayong dalang listahan?
Kapag uwi n’yo, dun n’yo lang maaalala na hindi n’yo
pala nabili ang item na ito?
O kaya naman yung taon-taon na ginagawa natin, yung
mamimili tayo ng pangregalo sa mga kaibigan natin o
kaya naman sa inaanak o kamag-anak, tapos hindi
natin nailista.
Naku stress! Kasi kailangan pa nating mag-rush ng
pangregalo sa mga ito.
Kaya kailangan alam natin ang ating mga priorities.
Unang-una, we have to
MAKE A LIST OF PRIORITIES
Ang lahat ng mahahalagang bahagi ng buhay natin ay
kailangan pinaghahandaan. Tulad na lamang ng
kasal, panganganak, pag-aaral, negosyo…
Lahat ng mga ito ay dapat may tamang paghahanda.
Hindi lamang tamang panahon ang ating kailangan
na antayin. Kundi kailangan natin alamin ang mga
kakailanganin natin.
Kaya mahalagang gumawa ng listahan ng mga gagawin
o paghahanda bago tayo tumalon sa panibagong bahagi
ng ating buhay.
O kaya naman gumawa ng listahan ng mga dapat bilhin
upang hindi sayang ang ating panahon, oras at pati na
rin ang pera na ilalabas natin.
Ganun din kapag may mga events o meetings o deadlines.
Mas maganda na mailista natin o maplano natin ang mga
gagawin natin upang wala tayong makaligtaan.
After that, we have to
KNOW WHAT IS URGENT VS. IMPORTANT
“Ano naman yun, Chinkee?”
So kung urgent, ito yung mga kailangan nang gawin agad
o kaya naman kailangan nang matapos o mahanapan
ng solusyon. Hindi kasi lahat ng importante ay urgent.
Tulad ng birthday ng asawa mo. May isang taon para
paghandaan ito uli. Importante ito pero hindi naman
urgent kasi may time para magplano pa.
Ang urgent ay halimbawa, may importante kang client
na nasa telephone, so yun ang urgent. Kailangan na
kausapin agad. O kaya naman may technical problem
sa company, yun din kailangan ng urgency.
So kailangan alam natin sa ating listahan kung ano ang
urgent dahil ito dapat ang kailangan nating unahin o
magawan ng paraan at solusyon.
Maliban sa alam natin na urgent ito, kailangan din alam
natin kung tayo lang ba ang makagagawa nito o may
mapapasahan tayo nito para ma-address ito agad. Kung
wala, kailangan tayo na mismo ang tumingin dito.
Kaya dapat we
SET OUR SCHEDULE
Baka nakapangako ka sa anak mo na ilalabas mo s’ya
then biglang may emergency sa work. So ano ang
urgent dito?
Minsan, hindi naman maiiwasan na maipit tayo sa mga
ganitong sitwasyon. Kaya dapat respetuhin natin ang
oras ng ibang tao.
Kailangan din na planuhin natin nang maayos ang
ating schedule dahil maaapektuhan din natin ang
sarili nilang schedule. And bad impression ito kung
lagi na lang cancelled or late tayo.
Asawa, anak, kaibigan, trabaho o negosyo man ito, lahat
ng mga ito ay mahalaga ang it’s just a matter of setting up
our priorities para hindi magkaroon ng conflict.
Masakit din kasi na maramdaman ng iba na less important
sila para sa atin. At tayo rin naman ayaw din nating
masayang ang ating oras.
“Practice to always set and know your priorities in life,
Because it’s a good way to have a better life.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga priorities mo sa buhay?
- Paano mo ginagamit nang maayos ang oras mo?
- Gaano kahalaga na matugunan at magampanan mo nang tama ang mga kailangan mong gawin sa isang araw?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.