Sa nakaraang blog ko, I discussed different
negative characteristics or behavior that we need
to avoid or change.
This time, I will be sharing good and healthy habits
that we need to know and practice. Ito yung dapat
ginagawa natin palagi para tayo ay maging successful.
We need to practice these every day and teach these
to our kids para sa future, hindi lang pera ang
maipamamana natin sa kanila kundi pati ang good habits.
So here they are:
SETS GOALS AND FOLLOWS PLANS
“Kakain na ako lagi ng prutas at gulay.”
“I will review before the exam or quiz.”
“At the end of the year, may pang Christmas tour kami.”
Dapat alam kung saan tayo patungo. Imagine kung
babyahe tayo at wala tayong direction o pupuntahan,
‘di ba parang bahala na lang ang byahe natin?
Mahirap pag ganun. So kailangan may target tayo.
Then after that, we should set the plan kung paano
natin mahi-hit ang ating goal sa buhay.
Kailangan din na sinusunod natin ang ating plans.
Kasi kaliwa’t kanan ang mga tukso. Kaya minsan
nawawala tayo sa tamang path natin.
So let’s check kung nasa track pa rin tayo para
hindi nawawala yung purpose kung bakit tayo gumawa
ng goal para sa atin in the first place.
We have to
FOCUS ON SAVINGS AND AVOID BAD DEBT
“I will save 50% of my savings every month.”
“I won’t go beyond the budget.”
“Hindi ako uutang nang wala lang.”
Then dumating na ang sweldo tapos may big big sale
online! O eh ‘di paano na? Kung gusto natin ng good
habit, kailangan focus tayo sa 50% na savings plan.
Hindi tayo dapat gagawa ng excuse para sa sarili natin
o kaya naman ay parang makikipag-deal pa tayo sa
sarili natin na sige next month na lang ung start
ko ng 50% savings.
O kaya naman ay iuutang na lang natin para lang
mabili, then kalalabasan ganu’n din. Babayaran din
naman natin ito sa susunod na buwan. Is it good
debt or bad debt?
Bad debt ay kung uutangin natin na hindi naman
tayo kikita in return. Good debt ay yung utang para
naman magbenta na maaaring mag-generate ng income.
Kailangan marunong din tayo maghanap ng ibang
paraan para kumita at para magkaroon ng
EMERGENCY AND RETIREMENT FUNDS
Hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa
mga susunod na buwan kaya mahalaga na may emergency
fund para may mahugot tayo kapag kinailangan.
Ang emergency fund ay at least katumbas ng 3-6 months
ng iyong sweldo. Kung may ganito tayong halaga na ipon,
hindi tayo mangangamba at maaari tayo makapagsimula
muli kung anuman ang mangyari.
Ang retirement fund naman ay kailangan din nating
paghandaan para kapag magretiro na tayo ay may
panggastos tayo sa ating mga pangangailangan.
Maliban pa dito hindi tayo magiging pabigat sa ating mga
anak o kaya sa ibang kamag-anak natin. May mga sarili
rin silang buhay at problema na kailangan harapin.
Kaya hindi naman tayo dapat palaging umasa sa ibang
mga tao dahil habang malakas pa tayo ay kailangan na
nating ayusin at planuhin ang ating future.
“Simulan na natin ang healthy habits
para maging successful at zero ang debt.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga goals mo ngayon?
- Paano mo nasusunod ang iyong plans?
- Kailan mo gusto magretiro?
—————————————————————————–
RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing.
Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.
Register Now for only 799!
Click here https://lddy.no/8vaq
-Watch it ANYTIME, ANYWHERE.
-Watch it over and over again.
**For a limited time only, you can access ALL 13 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.