Naranasan n’yo na ba na mag-travel at pag dating
ninyo, iba yung ini-expect n’yo sa totoong hitsura
ng inyong pinuntahan?
Naranasan n’yo na rin ba na ikumpara ang sweldo
ninyo sa mga sweldo rin ng ibang kasamahan n’yo
sa trabaho o kaya naman sa mga kaibigan n’yo?
At ginagawa n’yo rin ba na balikan ang inyong
nakaraan at tingnan kung saan na ang iyong narating
at kung paano ka nakarating doon?
Ilan lamang ito sa mga kailangan nating pag-isipan
dahil lahat ng ito ay nagiging dahilan ng pagbuo natin
ng ating mga expectations.
IMAGINATION
“Ang ganda naman n’ya. Grabe parang ‘di tumatanda.”
“Wow ang ganda d’yan. Parang ang sarap ng pagkain.”
“Gusto kong bumili rin n’yan. Ang laki ng pinayat n’ya.”
Most of the time, whenever we imagine things, we also
create expectations. Dito na nagkakaroon ng dilemma
lalo na kapag ang expectation is far different from reality.
Ang nagiging resulta, we become disappointed. Kapag
disappointed tayo, we feel sad. We feel unhappy.
Hindi kasi natin nakita agad ang realidad.
Ang ganda nga ng model sa before and after, pero
ang totoo, pinaganda lang talaga s’ya para sa product
na kailangan nyang i-endorso.
Lalo na rin sa technology ngayon, ang daming apps
and filters para maging maayos ang mga itsura ng
tao o ng mga lugar.
Kaya hindi rin maiwasan that we make
COMPARISON
“Mas mayaman naman kami kaysa sa kanila.”
“Mas malayo naman ang narating ko kaysa sa kanya.”
“Top 1 uli ako. Top 2 lang s’ya.”
You see, our gain is pain to others and the gain of
others is our pain. Parang ayaw natin na nauungusan
tayo. Nalulungkot tayo kapag mas mababa tayo.
Pero kapag tayo naman ang nasa taas, yung ibang
tao naman ang nalulungkot. Parang walang nanalo
at paikot-ikot lang ang mga ito.
At dahil din dito, nalulungkot tayo. We set high
expectations to ourselves instead of being
motivated to do more and to do good.
Mas inuuna pa natin ang ikumpara ang sarili natin
sa iba. So let’s change this kind of practice and
embrace the things that we really have in life.
We should learn from our
PAST EXPERIENCE
Pero huwag nating hayaan na ma-stuck na lang tayo
sa nakaraan. Kung anuman ang narating natin ay
dahil sa mga pagpupursige natin sa buhay.
Pero paalala lang din bilang isang magulang, kailangan
din na ipaalam natin ang realidad sa ating mga anak
at huwag lamang tayo mag-set ng expectations.
Kailangan ding matutunan at malaman ng ating mga
anak na may mga pagsubok sa buhay. Hindi lamang
natin basta-basta ibibigay ang mga gusto nila.
Dapat nilang maunawaan na may proseso kung paano
maging successful sa buhay. Hindi ito basta-basta na
lamang babagsak sa kanilang harapan.
We should teach our kids and even ourselves to think
of reality much more than of setting up expectations
para hindi tayo laging nadi-disappoint at nalulungkot.
“Hindi masama na mag-set ng expectations,
pero dapat makatotohanan para hindi mauwi sa frustrations.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang basehan ng mga expectations mo?
- Paano mo hinaharap ang dilemma kapag hindi na-meet ng reality ang expectation mo sa isang sitwasyon o sa isang tao?
- Gaano kahalaga na matutunan ng ating mga anak na mapahalagahan ang realidad ng buhay?
———————————————————————————————————-
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Youtube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.