Ayan malapit na ang pasko! Nandyan na ang kaliwa’t kanan na sales at promo. Syempre nandyan din ang mga pakulo ng mga banks for the credit card.
“Naku Chinkee. Mabuti na may credit card kasi at least next month pa namin babayaran ito.”
Wala namang kaso doon eh…
Pero mababayaran n’yo ba talaga ito next month?
Anu-ano ba dapat ang kailangan isaalang-alang?
OVERSPENDING
Magpapakatotoo lang tayo mga friendship. Kung ikaw yung tipo ng tao na hindi nagba-badyet, naku! Please lang ‘wag ka na kumuha ng credit card. Haha!
Ito ang advice ko, learn to budget. Kasi kung tayo yung lagi na lang overspend, ang ending, malamang lalaki lang ang utang sa credit card company.
Tandaan, ang credit card ay hindi debit card. Ibig sabihin, utang ito. Kahit gaano pa kaganda ang offer nila, kung hindi nga natin mapagkasya ang pera natin kada buwan, lalo lang tayo magigipit dahil sa mga
CHARGES
Yes. May mga charges ang credit card. Imagine mo kung wala eh paano kumikita ang mga credit card companies ‘di ba?
Hindi natin goal na mabayaran lang ang minimum amount. Ang goal natin ay mabayaran ang total amount. So kung laging minimum amount lang ang mababayaran, may charges na ito.
At kada buwan na hindi ito nababayaran ay buwan-buwan ding nadadagdagan ang mga charges. Kaya kung gagamit ng credit card ay siguraduhing on or before the due date ay mabayaran natin ito.
Pero kung may cash naman, ay gumamit na ng cash para iwas
TEMPTATIONS
Yes! May psychological effect kasi kapag card lang. Hindi kasi tayo naglalabas ng pera o parang hindi nababawasan yung pera natin.
Pero tandaan na hindi katumbas ng credit card ang cash. Meaning, kahit hindi mo bayaran ngayon ang binili mong gadget, next month ay kailangan mo itong bayaran.
In short, ‘di pa rin tayo bayad sa binili nating gamit o pagkain. Mahirap pa dito kapag sobrang laki na ng utang, maaari nang kasuhan at pag nagkataon, magre-reflect ito sa records natin.
“Kung gusto mong maging certified debt-free,
siguraduhing may pambayad sa pang shopping spree.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Naranasan mo na bang mag-overspend sa mga pinamili mo?
- Anu-ano ang mga natutunan mo sa paggamit ng credit card?
- Paano mo paghuhusayan ang iyong pagbabadyet?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.