It’s the season to be merry! Ang lamig na mga KaChink! Kumusta naman kayo? Nakapag-budget na ba kayo?
Naisip kong gumawa ng blog na ito kasi malapit na ang Pasko, marami ring mga tao na nananamantala. Kaya naman mas maging maingat din sa mga tao sa paligid natin.
Dahil marami ang mga taong
MAGALING MANGUTANG
Syempre nand’yan yung mga matagal na nating “kaibigan” at mga malalayong “kamag-anak” na bigla-bigla na lang mabubuhay at mangangamusta. Hahaha..
Wala namang masama dun. Masaya nga na may get-together ‘di ba? Pero lagi lang din natin isipin na kung magpapahiram tayo ng pera sa iba o kung magbibigay ng tulong sa iba, kailangan handa rin tayo.
Meaning, may calculated risk din. Paano kung hindi sila makabayad on time? Kaya minsan, it’s okay to say no. Lalo na kung may pinagdadaanan din naman ang ating pamilya o kung may pinaglalaanan din tayo ng ipon.
Mag-ingat din sa mga magagaling mangako dahil sila rin ay
MAGALING MANG-SCAM
Naku mga friends! Ingatan ninyo ang mga ipon ninyo. Lalo na yung mga OFW na talagang laging target ng mga scammer.
Tandaan na iba ang may alam. So kung yung business or investment ay nangangako sa inyo ng malaking balik in small span of time o kaya naman ay may registration fee na hinihingi, think again.
Make sure to check their SEC registration kung legit at kung ano ang type of business nila. Maraming madaling ma-scam dahil maraming gustong ma-secure ang pera pero the truth is, nagiging greedy rin tayo minsan. Nasisilaw agad sa pera.
Iwasan din ang mga taong
MAGALING MANUKSO
Yung mga kasamahan natin na hilig kumain sa labas, mag shopping, gumala, gumastos.
Walang masama na gawin ito paminsan-minsan as long as may allotted budget para dito. Mahirap naman na puro credit card na lang ang gagamitin natin.
Tapos sa susunod na buwan, surprise!!! Ang laki na naman ng bill. Tandaan na ang credit card ay hindi naman pera. Meaning, kailangan pa rin itong bayaran in full. Dahil kung minimum lang ang babayaran natin, ang laki rin ng interest nito.
Kaya naman dapat ay matutong mag-budget.
“Alamin ang totoong halaga ng ating pera at kita
at huwag magpadala sa mga tuksong mapanira.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang batayan ninyo para magpahiram ng pera sa iba?
- May alam ka rin bang kwento ng mga na-scam na?
- Paano mo naiiwasan ang mga mapanuksong paggastos?
A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.
Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo.
Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.
Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)
Click here to order: https://lddy.no/8wsr
For Online Course only at 799 click here: Click here: https://lddy.no/8wsq
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.