Sobrang convenient gawin ang mga bagay na nakasanayan na natin. Chill lang. Kalmado lang.
Pero ‘di ba nakasasawa rin kapag paulit-ulit na lang ang ginagawa mo sa buhay? Kapag paulit-ulit na cycle na lang ang daily life mo?
May mga panahon na kailangan nating ma-realize at matutunang lumabas sa ating comfort zones.
MAGIC STARTS WHEN YOU GO OUTSIDE YOUR COMFORT ZONE
Sabi nila, lahat nang gusto nating makamit at marating, ay isang step away lang from our comfort zones.
May mga taong mula sa pagiging alalay lang, ay naging boss na nang malalaking negosyo matapos ang ilang taon.
Magic, ano? Kasi natagpuan nila ang susi palabas ng kahon kung saan sila dating nakakulong. Lumabas sila at nakita kung gaano kalawak ang mundo at posibilidad na marating nila ang mga pangarap nila. Gaya na lamang nang pangarap nilang magkaroon ng isang successful na business.
PERO HINDI LANG ITO BASTA MAGIC
Going out of our comfort zones takes a lot of courage and adjustments.
Kailangan muna nating kilalanin ang mga sarili natin. Kung anong gusto nating maabot, anong mga kakayahan natin, at kung paano mai-improve ang mga ito sa pag-abot ng pangarap.
Syempre kailangan mag-adjust sa mga bagong bagay na makikita, mararanasan, at kakailanganing gawin.
It will be uncomfortable at first, pero kapag nai-adjust mo ang professional at personal life mo sa daang tinatahak mo, kakayanin mo ito.
Marami ka ring makikilalang bagong tao. Iwasan ang mga negative na tao. Doon ka sa mga taong mabuti, mapagkakatiwalaan, at matuturuan kang harapin ang mga pagsubok na pagdadaanan mo.
DON’T PUSH YOURSELF TOO HARD
Pero syempre, kalma pa rin. Iwasang maging sobrang workaholic, at ‘wag magpabalot sa stress.
Oo, nakatatakot ang mga challenges na mae-encounter mo sa journey mo. Oo, kailangan mong tibayan ang sarili mo at gawin ang lahat para ma-survive ito.
Pero hanapan mo pa rin ang sarili mo nang oras para makapagpahinga at magawa ang iba mo pang gustong gawin sa personal life mo. ‘Wag mong pabayaan ang sarili mo.
Kahit anong tapang, lakas ng loob, at galing ang ipamalas mo sa pag-abot ng iyong pangarap, pwedeng mawala ang lahat kapag napabayaan mo ang iyong sarili.
“You will never know how much life can offer you, unless you try going out of your comfort zones.”
Chinkee Tan. Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Have you tried going outside your comfort zone?
- Anong mga positive and negative things na nangyari nang mag-decide ka gawin iyon?
- Ano pa ang mga pwede mong magawa para makamit mo ang mga goals mo sa buhay?
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.