Sa lahat ng business, normal lang ang magkaroon ng competitors. Maaaring mas matagal na sila sa industry o kaya naman may mga bagong competitors, lahat ito ay bahagi ng isang business.
Pero paano nga ba i-handle ang ating mga competitors? Kailangan nating pag-isipan nang husto ang ating business at kasama rin sila dito.
Kaya naman we should study them and
LEARN FROM YOUR COMPETITION
Hindi naman pwede na galit-galit lang at hayaan na lang natin sila. Maaari rin tayong matuto mula sa kanila. Alamin natin kung paano sila mag-handle ng kanilang customers at kung paano ang marketing nila.
Ilan lang yan sa mga kailangan nating tingnan mula sa kanila. Maliban pa dito, hindi lamang kapareho natin sa industry ang maaaring maging competitors natin.
Nand’yan din ang mga indirect competitors. Hindi man natin sila kapareho ng produkto or serbisyo pero maaaring makaapekto pa rin sa ating negosyo.
That is why it is important to
CREATE A STRATEGIC PLAN
Mahalaga rin na hindi lang tayo naka-focus sa competitors natin. Meaning kung may sale sila, hindi natin kailangan na gumaya sa mga pakulo nila, dapat ay may iba rin tayong offer.
Hindi natin kailangan laging tapatan at makipag-battle sa ating competitors, ang importante ay may maganda tayong relationship sa ating mga customers para mag-stay sila.
Kapag inaral din natin ang talagang solusyon sa problema ng mga customers natin, babalik at babalik sila sa atin dahil naibibigay natin ang pangangailangan nila.
That is the importance of
ADDING MORE VALUE TO YOUR CUSTOMERS
Hindi ibig sabihin na nakabili na sila ng product natin, okay na yun. Dapat may reason para bumalik pa rin sila sa atin at para maibahagi rin nila sa iba ang kanilang mga natutunan mula sa atin.
Maaari rin tayong makipag-collab sa competitors natin para mas maibigay natin nang mas maganda ang needs ng customers natin. Sa ganitong paraan, lahat winners.
Hindi tayo nakikipag-collab sa iba para makuha ang customers nila, kundi para mas lumawak ang mga target customers din natin.
“Ang totoong mukha ng ating pagiging wagi
ay ang tuwa at ngiti ng ating mga suki.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga natutunan mo mula sa iyong mga competitors?
- Paano mo mas mapagaganda ang iyong serbisyo sa iyong mga customers?
- Anu-ano ang mga magagandang offer mo sa iyong mga customers?
——————————————————————
Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!
Register Now! Hurry and don’t miss this out!
Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var
**For a limited time only, you can access ALL 14 CHINK TV ONLINE COURSES for only P1598! Click here: https://lddy.no/8vbk
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.