Naku talaga namang nakaka-stress kapag lagi n’yo na lang pinagtatalunan ng asawa mo ang pera ‘di ba?
Paano naman kasi may mga money traps na hindi natin inaakalang mapapagastos pala tayo. Kaya ang ending ay away at sisihan ng mag-asawa.
So here are some of the common money traps to couples:
0% INTEREST IN 12 MONTHS
Nakita n’yo sa mall sale at may 0% interest pa. Naku, mga friendship. Yung interest n’yan eh nandun na mismo, kasama sa kada buwan na babayaran n’yo.
Kaya naman ang tips ko ay simple lang. Kung hindi n’yo naman talaga kailangan ay huwag n’yo na lang ito bilhin. Kung kailangan n’yo naman ay pag-ipunan n’yo ito.
Halimbawa, 30,000 yung price ng bibilhin n’yo, magkano kada buwan ang maaari n’yong itabi para dito? Let’s say 5,000, so kada buwan, ilagay n’yo muna sa bangko ung 5,000 para sa bibilhin n’yo.
Hanggang makaipon kayo para dun. Ang mahalaga ay maiwasan ninyo yung monthly charge. Lalo na kung balak n’yong gumamit ng credit card!
FREE TRIAL
Ito naman yung mga monthly subscriptions na sa una ay free trial o kaya may one month money back kapag hindi daw natin nagustuhan. Eh ang kaso nagustahan natin…hahaha!
Eh di wow! Dagdag monthly fee na naman!
Alam n’yo mga ka-Chink, wala namang problema sa mga monthly subscriptions lalo na kung mahalaga at kailangan sa work or sa study ng anak natin.
Ang mahirap lang ay yung may monthly fee tayo na makadadagdag lang sa bayarin natin at masasayang pa ang oras natin o kung wala namang naidulot na pag-unlad sa kinikita natin.
PAY-DAY LOANS
Isa rin ito sa nakaka-stress mga ka-Chink!
Yung wala pa ang sweldo pero nakasangla ang atm sa ibang tao o kaya naman may inutang na tayo kahit wala pa ang sweldo natin.
Kaya pagdating ng sweldo, Boom!
Magic!
Wala na!
Oh ‘di ba? Stress?
Kaya naman, iwasan natin at itigil na natin ang pangungutang ahead of time. O kahit yung mismong pangungutang lalo na kung hindi naman natin napagkakakitaan ang inuutang natin.
Mahirap kasi na umutang para lang pambayad ng ibang utang natin. Kaya, isa-isahin ang pagbabayad ng mga utang para maging utang-free!
“Pag-usapan ang mga money issues ninyong mag-asawa.
Solusyunan ito at pagtulungan ninyong dalawa.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Ano ang pinakamatinding money issue sa inyong pagsasama?
- Paano ninyo ito nasolusyunan?
- Gaano kahirap ang pinagdaanan ninyo?
—————————————————————-
Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”
Check it here: https://lddy.no/8vdb
Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.
Facebook page:
https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel:
https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.