“Bakit parang kay Judith, Bill, at sa kung anu-anong gastos na napupunta pera ko?”
“Bakit wala akong pera kahit may trabaho ako?”
“Eh, masipag at matiyaga naman ako!”
Madalas itong tanong ng karamihan sa atin. Ang realidad kasi ng buhay, hindi sapat ang sipag at tiyaga kung gusto mong umasenso. Para umasenso, kailangan din natin ng tamang pagpaplano.
TIGNAN MO ANG KALENDARYO MO
Oo, tignan mo ang kalendaryo mo. Tignan mo rin ang planner mo na nakuha mo sa pagbili ng maraming iced americano noong December last year.
Sa bawat buwan pa lang, mapapansin at maiisip mo na agad ang mga pagkakagastusan mo.
THE 12 MONTHS OF A PULUBI
Enero – Last minute pamasko
Pebrero – The Love Month that comes with a price
Marso – The Graduation
Abril – Summer Getaway
Mayo – Fiesta Galore
Hunyo – Tuition Time (First Installment)
Hulyo – Tuition Time (Second Installment)
Agosto – Ghost Month (Walang gastos pero takot kang iinvest ang pera mo!)
Septiembre – The First Ber Month (Holiday Ipon starts)
Oktubre – Sembreak Vacay
Nobyembre – All Soul’s Day Renovation
Disyembre – Alam Na This
… and this cycle goes on until the next year at wala ka nang naipon.
PAANO MAAAYOS ANG POOR CALENDAR?
Simple lang naman ang solusyon, two words lang: matinding disiplina.
We can overcome The Poor Calendar by prioritizing and by cutting.
Needs over your wants muna, mga ka-Chink! Bigyang prayoridad ang savings bago ang spending. Kung didisiplinahin mo ang sarili mo na pumunta munang bangko para mag-deposit bago mag-mall, tiyak na makakaipon ka.
Isa pang paraan para makatakas sa Poor Calendar ay cutting those unnecessary purchases. Dapat bang mahal ang iregalo sa Valentine’s Day? Kailangan bang bongga ang graduation party? Kailangan ba talagang maraming byahe o bakasyon kada taon? Isipin munang mabuti ang bawat gagawing paggasta. Always think of the security of your future.
“Bagong taon, bagong buhay. Hindi bagong taon, bagong utang.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Biktima ka rin ba ng Poor Calendar?
- Anu-ano ang dapat mong bigyang prayoridad para maging matagumpay sa pera?
- Aling mga bagay ang dapat mong iwasang bilhin ngayong 2020?
PISO PLANNER + 4 FREE Diary of a Pulubi, My Ipon Diary, My Badyet Diary and My Utang-Free Diary are back!
Get these for only 499+100SF!
Click here to order: http://bit.ly/34x6Lzh
Watch my YouTube Video:
Nakakaintrigang Alamin Ang 12 Months Na Malalaking Gastusin
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.