Nag-away na ba kayong mag-asawa? Nagalit na ba kayo sa isa’t isa? Paano ba ninyo naayos ang inyong ‘di pagkakaunawaan? O iniisip pa rin ninyo kung paano ninyo ito maayos?
In this blog, let me share with you some ways to resolve a conflict in couples.
ATTACK VS. OPINION
Attack, ito yung wala pang argument pero out of nowhere bigla mo na lang maaalala ang naging issue ninyo noon at uungkatin na naman ngayon.
Opinion on the other hand, ito naman yung pagsasabi natin ng pananaw natin sa isang bagay na hindi kailangan iparating natin sa pagtatalo o pag-aaway.
Attack:
“Nasobrahan na naman sa toyo yung ulam. Lagi na lang ganito ang luto mo.”
Opinion:
“Mukhang nasobrahan ito sa toyo. Siguro next time, paunti-unti yung paglagay mo then tikman mo rin from time to time para malaman mo kung sakto na yung timpla.”
LISTENING VS. UNDERSTANDING
Lahat ay maari nating marinig pero hindi lahat ay kaya nating unawain. Kaya mahalagang may pag-uunawa pagdating sa pakikipag-usap lalo na kung nasa init tayo ng pagtatalo.
Listening:
“Mamaya na lang natin pag-usapan uli. Ayokong
magtalo tayo dito sa labas.”
“Bakit? Kasi ayaw mong aminin na mali ka?
O iniisip mo na naman na ako ang mali?”
Understanding:
“Mamaya na lang natin pag-usapan uli. Ayokong
magtalo tayo dito sa labas.”
“Sige. Magpapalamig na lang din muna ako.”
TALKING VS. COMMUNICATING
Sa kahit anong pagtatalo, nasa pagitan na ninyong dalawa ito. Huwag n’yo nang idamay pa ang ibang mga tao sa paligid ninyo sa mga problema ninyong mag-asawa.
Hindi masama na humingi ng payo mula sa iba, pero mas mahalaga na kayo na mismo ang mag-usap.
Talking:
“Lagi ka na lang galit kapag pinag-uusapan
yung tungkol sa sweldo.”
“Paano ako hindi magagalit eh paulit-ulit
mong issue yung tungkol sa sweldo ko.”
Communicating:
“Saan ba napupunta ang sweldo mo? Pwede
na ba nating pag-usapan ito para maayos natin
yung pagbabadyet buwan-buwan?
“Anu-ano ba ang mga pinaggagastusan natin
kada buwan para matulungan din kita sa pagbadyet?
Tandaan na hindi kayo magkaaway ng asawa mo. Partner dapat kayo sa buhay. Kaya kung mayroon kayong ‘di pagkakaunawaan, matuto kayong mag-adjust para sa isa’t isa.
“Walang problema ang hindi nasosolusyunan sa mag-asawang marunong magpakiusapan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Lagi ba kayong nagtatalo sa iisang bagay at paulit-ulit ito?
- Ano ba ang puno’t dulo ng pagtatalo ninyo?
- Anong solusyon ang napagkasunduan ninyong dalawa upang ito ay maging maayos?
Watch this Youtube Video:
3 A’s to Deal with Angry Spouse
https://www.youtube.com/watch?v=gPnTqYJUaf8
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799**
Click here https://lddy.no/8vdd
IN THIS EVENT YOU WILL LEARN
- About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
- To have a better and healthier communication between you and your spouse.
- To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
- The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
- Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.