Sino ba ang kailangang maging breadwinner sa pamilya?
Si mister o si misis?
Well, mga ka-Chink, siyempre lalaki naman talaga ang dapat nagtatrabaho sa pamilya. Pero dahil moderno na rin ang mundo ngayon, hindi na rin bihira ang mga misis na nagtatrabaho rin para sa pamilya.
Bakit naman kasi magtatalo pa kung sino ang dapat maging breadwinner kung pwede namang parehas?
Kapag parehas kasing breadwinner si mister at si misis…
TEAM KAYO
Siyempre dahil mag-asawa na kayo, tulungan na kayo sa mga responsibilidad. Kung ang karaniwang set-up ay si mister ang breadwinner habang si misis ay budgetter, sa sitwasyon naman na kapag parehas kayong breadwinner, pareho din kayong budgetter.
You will work as a team. Through thick and thin ng financial status ninyo, magtutulungan kayo dahil pareho kayong kumikita ng pera. Sakaling mawalan ng trabaho o bumaba ang kinikita ng isa, nariyan ang isa pa para umalalay at sumalo sa mga gastusin.
MORE FINANCIAL GROWTH AND OPPORTUNITIES WILL FOLLOW
Kung parehas kayong wise earner, wise spender at wise saver, panigurado magkakaroon kayo ng maraming opportunities para lalo pang mapalago ang finances ninyo.
Mula sa kinikita ninyo sa kanya-kanyang trabaho o business, maaari pa kayo magkaroon ng joint o collaborative business o investment. Basta magaling sa pagpaplano, panigurado panalo ang financial growth ng pamilya ninyo!
HAPPIER FAMILY
Sino ba namang gusto na palagi kayong kinakapos sa pang-araw-araw na gastusin? At sino naman ba ang may gusto na palagi kayong nag-aaway ng asawa mo nang dahil sa pera?
Ang away sa pera ay isa sa mga dahilan kung bakit nag-go-grow apart ang mag-asawa. Imbis kasi na magtulungan, ay nagsusumbatan pa.
Pero kung parehas kayong magaling sa pag-handle ng pera, everything will flow smoothly, pati na ang relationship ninyo as a whole. Maibibigay kasi ninyo ang pangangailangan ng isa’t-isa at ng mga anak ninyo, nang hindi kayo kinakapos sa pang-araw-araw na gastos.
“Mahalagang magtulungan sa pagbabadyet ang mag-asawa, para mas maging happy ang buong pamilya.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
- Sino ang breadwinner sa inyong pamilya, si mister ba o si misis?
- Paano ninyo napagkakasya ang kinikita ng breadwinner para sa needs, wants, at savings ng pamilya?
- Paano pa mas mapalalago ang finances ng pamilya?
Watch this video:
Top 3 Benefits Kung Parehas Kayong Breadwinner Na Mag-asawa (https://www.youtube.com/watch?v=OJfgBVZSYog)
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd
IN THIS EVENT YOU WILL LEARN
- About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
- To have a better and healthier communication between you and your spouse.
- To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
- The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
- Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.