Isa sa mga importanteng bagay na dapat mapagkasunduan ng mag-asawa ay ang pera. Kailangan nilang planuhin nang maigi ang budget para sa bahay, kuryente, tubig, pagkain, pangangailangan ng kanilang mga anak, at iba pang mga gastusin. Subalit hindi rin talaga maiiwasan na magkaroon ng kaunting pagtatalo pagdating sa pera.
Bago pa man mauwi sa matinding hindi pagkakaunawaan, mabuti na masolusyunan na kaagad ang mga ganitong problema. Narito ang mga dahilan ng major money fights ng mag-asawa:
Shopping and Saving Habits
Shopping habits. Marami sa atin ang nawiwili bumili ng mga bagay kahit hindi kailangan at wala sa budget natin. Minsan nadadala tayo sa mga sale sa malls at sa kung saan-saan pa. Ito ay isa mga kadalasang pinagtatalunan ng mag-asawa. Iniisip ng isa na dapat mas magtipid pero ang isa naman ay nanghihinayang na hindi mabili ang bagay na hindi pa naman kailangan. Dapat ay matutong humawak ng pera. Kung hindi naman talaga kailangan ay pwedeng ipagpaliban na lang muna.
Saving habits. Heto yung taong mas gustong maghigpit sa pera at ilagay na lang ang karamihan sa ipon. Walang masama sa pag-shopping at pag-iipon. The couple must find a balance between saving and spending.
Who Pays for What and Who Has the Final Say
May mag-asawa na parehong kumikita at meron din namang isa lamang sa dalawa ang may income. Pero tandaan, the goal in marriage is not to compete with one another but to complete one another. Dapat ay magtulungan ang mag-asawa sa mga bilihin at babayaran.
Maaring i-base sa personalidad ng mag-asawa kung sino ang may final say. Kung sino ang magaling humawak ng pera, maaring nasa kanya ang final say. Pwede namang magbigay ng opinyon ang asawa. Bawat isa ay may sariling abilidad na pwedeng gamitin para sa maayos na pagsasama. Pwedeng ang last say ay kung sino ang mas may alam sa particular na bagay. Find your strengths and support one another. Partners should be a team.
Support For Extended Family
Hindi ito madali lalo na sa ating mga Pinoy. Hanggang kaya natin, gusto nating suportahan ang mga magulang at kamag-anak natin. Subalit, hindi sila ang priority kundi ang sariling pamilya. Kailangan ay magkaroon ng stand ang mag-asawa at kausapin ang mga ito ng malinaw sa priority nilang suportahan. They can still be a blessing to their extended families. Wala namang masamang tumulong, pero siguraduhin na merong matitira para sa sariling pamilya. At dapat okay sa parehong panig ang pagsuporta.
“Masaya ang buhay mag-asawa kung walang pagtatalo tungkol sa pera.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY
- Anu-ano sa mga couple money fights ang naranasan n’yo na?
- Paano ninyo ito maso-solusyunan?
- Paano n’yo pananatilihing maayos ang financial aspect ng iyong pamilya?
Watch this video:
5 Most Common Money Fights of Couples https://www.youtube.com/watch?v=nigAxC34zu4&t=468s
**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd
IN THIS EVENT YOU WILL LEARN
- About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
- To have a better and healthier communication between you and your spouse.
- To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
- The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
- Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.