Maraming bagay sa buhay natin ang hindi naman talaga natin kontrolado. Tulad ng bagyo, hindi naman natin ito makokontrol pero maaari nating mapaghandaan ito.
Ganito rin ang emergency. Ito ay tinawag na emergency dahil bigla na lang ito nangyari at kailangan ng mabilisang aksyon.
Kaya naman, marami rin tayo naging aral dito. Nakita natin na mahalaga na maghanda ng
EMERGENCY FUND o CALAMITY FUND
Maglaan ng pondo para sa pang-isang buwan na mga gamot at vitamins lalo na para sa mga bata at mga nakatatanda. Prevention is better than cure kaya naman may mga vitamins na kailangan talaga ng ating katawan.
Ang emergency fund ay katumbas ng 3-6 na buwan ng iyong buwanang budget. Kailangan ito upang sa mga ganitong panahon, mayroong madudukot.
Pero alam ko rin na marami rin talaga ang hindi ito ginagawa.
INSPIRE OTHERS and MOTIVATE OTHERS
Marami ang sinasabing mahirap naman magtabi dahil kulang pa nga sa isang buwan ang kinikita nila. Bagay lang ang emergency fund sa mga taong may kaya sa buhay.
Kung ganito palagi ang pananaw natin, lagi na lang problema ang makikita natin. Kailangan nating hanapan ng solusyon ang problema na ito. Isipin natin lagi na dapat may maitabi tayo malaki man o maliit.
Huwag nating antayin at
MAGSISI SA HULI at ISISI SA IBA
Kapag nandyan na ang problema, wala nang panahon para magsisihan pa. Mahalagang kumikilos na tayo bago pa man may mangyaring hindi maganda.
Isipin natin na ang bawat pagkakataon ay may mahalagang aral upang maging masinop at magaling sa paghawak ng pera.
Kaya naman:
“Matutong magbadyet sa panahon ng kagipitan. Unahin ang mga mahahalagang pangangailangan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anu-ano ang mga kinakatakutan mong mangyari ngayon?
- Ano ang mga solusyon mo sa mga problema?
- Anu-ano ang mga aral na natutunan mo sa pagsubok na ito?
Watch this video:
Bakit Importanteng Magkaroon ng Emergency Fund
For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.