Napapaligiran ba kayo ng mga taong walang ibang iniisip kundi ang sarili?
“Paano na yung feelings ko?”
“Para naman akong lugi!”
Ito yung mga taong magaling sa Nihonggo.
“AKIN TO.”
“GALING KO.”
“SIKAT AKO.”
Nakakalungkot na may mga taong makasarili.
But we need to understand na merong pinaghuhugutan ang mga taong ganyan. As much as possible, iwasan natin matulad sa kanila. Sa totoo lang, kung hindi tayo magmamatyag, we can turn to selfish ways even without us knowing it.
And there are disadvantages and consequences kapag naging makasarili tayo.
Kung ikaw ay estudyante, gusto mo bang makasama sa project ang isang credit-grabber?
Kahit anong talino ng isang tao, I’m sure ayaw mo silang makasama sa group project.
Kung ikaw ay isang empleyado, gusto mo bang makatrabaho ang isang tao makasarili?
Kahit anong sipag at galing niya, I’m sure hindi sila masaya maging kasama.
Kung ikaw ay isang businessman, gusto mo bang makipag- partner sa taong greedy?
Kahit gaano pa siguro kaganda ang business proposal pero kung kilala mo sya personally na madamot, I’m sure
magdadalawang isip kang pumasok sa isang kasunduan na kasama siya.
In other words, PEOPLE DO NOT WANT TO BE AROUND THOSE WHO ARE SELFISH.
Ilan lamang ito sa mga disadvantages. So if we don’t want to suffer the consequences of selfishness, let’s keep our hearts in check and try to remove any hint of selfishness in it. The saying is true, “It is better to give than to receive.”
Kapag sarado ang mga palad natin sa pagbibigay, paano tayo makakatanggap ng mga paparating na mga pagpapala. We need to give in order to receive.
“PROSPERITY DOES NOT COME WITHOUT GENEROSITY.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- May mga kilala ka bang mga taong nasa paligid mo wala ng
- inisip kung hindi ang kanilang sarili?
- Paano natin masisiguro na we will not fall into this trap?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.