Naranasan mo na bang maka-galit ang taong may utang sayo?
Ikaw na nga ang hiningan ng pabor, ikaw pa ang walang puso.
Ikaw na ang nag-tiwala, ikaw pa ang hindi marunong umunawa.
Sinisingil mo lang ang hiniram sayo, ikaw pa ang masama.
Sa totoo lang, mahirap naman talaga mangutang, pero higit sa lahat mas mahirap maningil. Kaya naman bago tayo mag pautang, pag-isipan muna nating mabuti.
Posible kasing tayo pa ang mangonsumisyon lalo na kapag hindi marunong tumupad sa kasunduan ang pinahiram. Paraan din ito para maiwasan ang sakit ng ulo na dulot ng pag papa-utang?
Ito ang ilan sa mga practical steps na maaari nating gawin:
KILALANIN MABUTI ANG TAONG PA-UUTANGIN
Ang taong nanghihiram sayo ay meron bang isang salita?
Siya ba ay mapagkakatiwalaan?
Siya ba ay may kakayanan talagang magbayad?
Siya ba ay tumutupad sa pinag usapan?
Talaga bang may matindi siyang pangangailangan?
MAKE AN AGREEMENT
Put it in writing. Isulat ang napagkasunduang paraan ng pagbayad, hindi lang verbal.
This is to protect both parties. Mas mainam na malinaw ang usapan.
Kailan dapat mabayaran?
Anong mga terms?
Anong mga penalties kapag hindi nakapag-bayad on time, etc?
TUMULONG NA LANG
To really spare yourself from disappointment, mas mainam kung huwag na lamang magpautang. Ang diskarte naming mag-asawa, imbis na magpahiram kami, nagbibigay nalang kami ng certain amount na maluwag sa aming kalooban at pasok din sa aming budget. Ang mga ganitong decision ay pinag-dadasal din namin.
Sa susunod na may uutang sayo, balikan mo ang mga practical steps na ito. I hope this blog will enlighten you.
“Madali magpahiram pero NAPAKA HIRAP maningil!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Ikaw ba ay may pautang?
- How do you deal with this kind of people?
- What have you learned from your previous experiences?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.