Di ba ang sarap mag-SHOPPING?!
Pwedeng-pwede naman mag- enjoy sa pamimili basta ba “can afford” mo!
The only issue with shopping is, when you shop without the funds. Uutangin or gagamitin ang credit card tapos walang naman pambayad in FULL.
Allow me to share with you some practical tipid tips while you shop.
TIP #1: MAG CANVASS AT MAG-COMPARE
Bago ka bumili ng isang item, siguraduhin mong ito ang pinaka-good deal na nakita mo. Minsan makikita mo na P500 lang ang gustong mong damit, tapos makikita mo sa ibang shop P150 lang! Sayang naman ang P350 na matitipid mo. Kaya bago ka magdecide bumili especially kung big item ito, mag-canvass ka muna at hanapin kung saan ka mas higit na makakamura.
TIP #2: MAG-ABANG NG MGA SALES
Alamin mo kung kailan ang mga panahon ng SALE.
Tinatapat ang mga SALE kapag weekend at araw ng sweldo.
Ang mga item na noon ay P1000, kapag naka-sale nagiging P500 nalang. Nakatipid ka ng kalahati! BE WISE!
TIP #3: SET A BUDGET
Bago ka pa man din mag-shopping, dapat nakapag-decide ka na kung hanggang magkano lang ang gagastusin mo. SET A BUDGET & A LIMIT. Kasi kapag hindi ka nag set ng budget, chances are, mapasarap ka sa pamimili at di mo namamalayan na butas na ang wallet mo.
Kapag wala kang budget at sky is the limit ang pag-shoshopping mo. Siguradong sasakit ang ulo mo lalo na kung dumating yung billing statement.
“SET A BUDGET & A LIMIT. IWASAN ANG SHOPPING NOW! PULUBI LATER!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Saan mo paboritong mag-shopping?
- Anong mga guidelines mo pagdating sa pamimili?
- Anong mga saving tips sa pag-sho- shopping ang maaari mong ibahagi samin?
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.