Summer na naman!
Siguradong blockbuster na naman ang ating bill sa kuryente. Marahil ang iba sa atin ay nanlulumo dahil ang laking parte ng ating mga sweldo ay napupunta lang sa Meralco.
Posible ba talagang makatipid sa konsumo ng kuryente?
Yes na Yes!
Kapag alam mo ang mga practical tips na ito:
TIP #1: USE LED LIGHTS
May kamahalan ang mga led lights compared sa mga regular na bumbilya. Pero kung gusto mo talaga na makatipid ng bahagya sa konsumo ng kuryente, you might want to start buying led lights dahil talagang malaki ang difference.
Usually ang mga led lights ay nasa 3 watts habang ang normal na bumbilya ay nasa 24 watts. Mapapamahal ka sa pagbili pero makakamura sa kuryente plus mas matagal ang buhay ng mga ito.
TIP #2: APPLIANCES WITH INVERTER
Hindi naman talaga tayo basta-basta makakabili ng refrigerator o di kaya’y aircon na may inverter dahil talagang pricey ito. Pero kung susubukan nating pag-ipunan, kakayanin yan ng powers natin yan! Tulad ng mga LED lights, malaki ang matitipid sa kuryente ng mga appliance na may inverter.
TIP #3: HUGUTIN ANG MGA SAKSAK
Kung hindi mo na talaga gagamitin ang isang appliance, make sure na i- unplug mo ito sa outlet, kasi kahit naka-off ang appliance mong ito, dumadaloy parin ang kuryente at kumukunsumo parin ito kahit kaunti.
TIP #4: HUWAG PAISA-ISA
Huwag paisa-isa ang pagpaplantsa. Mas makakatipid ka kung isang bagsakan ang pagpaplantsa ng mga damit. Kunwari once a week o kaya once a month. Basta wag lang halos araw araw, tapos isang polo lang paplantsahin.
TIP #5: MAG-APPLY NG POP PROGRAM (PEAK OFF PEAK PROGRAMS)
Alam niyo bang mas mura ang kuryente sa gabi when you use it from 9pm to 8am. Especially when you use the aircon sa gabi.
Please call your local electricity provider for more details.
“MAS MAGANDA NA MAGING WAIS AT MAKATIPID. KAYSA ELECTRIC BILL SHOCK NOW! PULUBI LATER!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Ano pa ang ibang mga pagtitipid sa kuryente ang ginagawa mo?
- Alin sa mga tips na ito ang tingin mo talagang nakatulong sayo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.