Isa sa mga pinaka-masaya pero pinaka-magastos na activity mag-BAKASYON.
Usong-uso ang mga summer get-away ngayon! Masarap maka bonding ang mga mahal mo sa buhay tulad ng pamilya at mga kaibigan.
Pero paano tayo makakakapag-enjoy nang hindi ma-wa- wipe out ang bulsa? Ito ang ilan sa aking bakasyon tips:
TIP #1: PLAN AHEAD
Masaya din naman ang mga spontaneous pero dapat ready ang wallet mo dahil siguradong mas magastos ang travel. If we plan ahead of time, masaya ang matitipid mo. Halimbawa, ang airfare, mas makakamura ka dahil hindi mo kasabay ang buong sambayanan sa pagbili ng tickets, plantsado pa ang mga gastusin at maiiwasan ang mga unnecessary expenses.
TIP #2: MAG-ABANG NG MGA PROMO AND SALES
Maraming mga promo ang naglalabasan kapag mga ganitong season. May pamilya package, barkada package, mga 50% off, piso fare at kung ano-ano pa. Mag-abang ng mga ganyang promos ahead of time at siguradong mas makakatipid ka.
TIP #3: MAG-RESEARCH
Salamat sa ating technology at maaari na tayong mag-canvass online. Hindi na kailangang mag-ocular visit dahil may virtual tour ang karamihan sa mga tourist destinations. Bukod sa websites ng mga bakasyunan na type mo I- check out, you can also look for reviews.
Malalaman mo kung good deal ba, kung sulit ba, kung maganda ba talaga at kung ano-ano pa. Also, you can read blogs from travelers. Kabisado na nila ang pasikot- sikot ng lahat, mula sa mura at masarap na food, hanggang sa airfare or transportation expenses at kung ano-ano pa. Siguradong makakakuha ka rin ng mga tips sa kanila.
TIP #4: MAG-RECYCLE
Kailangan ba talaga ng bagong salbabida, goggles, swimwear at kung ano-ano pa? Baka naman pwede mo ng gamitin yung ginamit mo last year? Kung talagang tight ang budget, maghanap ng mga pwedeng i-recycle. Kung pwede namang gamitin ulit, yun nalang ulit para hindi na makadagdag sa gastusin.
TIP #5: SPEND WITHIN YOUR MEANS
Hindi kailangang umutang para makapagbakasyon. Hindi kailangang bongga kung hindi naman keri ng bulsa. Kung hindi kaya ng budget mo ang Boracay, pwede narin sa isang resort na pasok sa budget mo. Ayaw naman natin na enjoy now, suffer later.
“MAG-PLANO! MAG-SAVE! MAG-BUDGET! Huwag bakasyon now, Pulubi Later!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Nakapagplano ka na ba ng getaway ngayong summer?
- Anong mga tipid tips ang ginagamit mo na di ko nabanggit?
- What stops you from not spending on vacations?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.