Do these lines sound familiar to you?
“Ano na naman ang ginawa mo!?”
“Wala ka nang ginawang tama!”
“Parati ka na lang palpak!”
Kung ito ang madalas mong marinig, tiyak ko na hindi ka masaya at made-depress ka.
Nakakawalang gana magtrabaho o um-effort.
Nakakapagod kasama ang mga taong wala na napupuna kundi ang mga pagkakamali natin.
Para siyang isang judge sa “American Idol”, na talagang hihiyain ka na parang wala ka nang karapatan mangarap sa buhay.
Ito ang mga tinatawag kong “dream stealers”.
I’m sure, sumagi na rin sa isipan mo na umayaw na at bumigay.
Well kapatid, kung ito ang pinagdadaanan mo, tapusin mo ang pagbasa ng blog na ito.
Kapag feeling mo nang umayaw, para mo na rin sinabi na tama sila at mali ka!
Kaya imbis na umayaw, bakit hindi mo gamitin ang pagkakataon na ito upang ipakita na kaya mo at mali ang kanilang tingin sa’yo. Ang dapat na motivation mo sa buhay ay ang maging matagumpay!
Kapag ikaw ay aayaw, sino ang magpapatuloy ng iyong pangarap?
Paano naman yung pangako mo sa iyong sarili at sa iyong pamilya?
Paano na yung mga mahal mo sa buhay, yung asawa mo at anak mo?
Na gets mo na ba?
Huwag mong hayaan na maglaho ang iyong pangarap dahil lamang sa mga taong hindi naniniwala sa iyo.
Yes, maaring hindi tayo perfect, pero hindi naman lahat ng ginagawa mo ay mali.
Sadya lang na mapanghusga ang ibang tao at tingin nila sa’yo ay hindi ka na magbabago.
Hindi mahalaga kung ano ang tingin nila sa iyo bilang isang tao.
Ang mahalaga ay kung ano ang iyong tunay na pagkatao!
Naniniwala ka ba sa iyong sarili?
Naniniwala ka ba na darating ang araw na matupad mo rin ang iyong pangarap?
Naniniwala ka ba?
Naniniwala ka ba?
Mag-umpisang maniwala muli.
Panahon na bumangon muli, maniwala muli at ipaglaban muli kung ano man ang iyong inumpisahan at huwag kang titigil.
“Mahirap makasama ang mga taong wala nang nakita sa’yo kundi mali. Para sa kanila, wala kang ginagawang tama”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
Ano friend? Game ka na ba uli?
Matapos mo ito mabasa, aayaw ka pa ba o lalaban ka na?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.