Okay lang kung malungkot dahil ikaw ay nawalan sa buhay, pero huwag mo itong patagalin.
Okay lang kung mainis sa mga taong hindi maganda ang inuugali, pero huwag mo itong patagalin.
Okay lang kung mag-worry ka sa dami ng gastusin mo, pero huwag mo itong patagalin.
Okay lang kung magalit ka lalo na kung talagang nakakagalit ang ginawa sa’yo, pero huwag mo itong patagalin.
Okay lang na makaramdam ng mga negative emotions sa lahat ng mabibigat na nangyayari sa buhay natin.
Bakit? Kasi tao lang tayo.
Pero gusto kong sabihin sa inyo na lahat tayo ay may choice. Pwede mong patagalin, pwede mo rin ayusin.
I’m telling you, kapag pinatagal natin ang mga negativity na iyan sa atin, tayo rin ang lugi, kawawa at talo.
Ang lungkot, kapag pinatagal, nagiging depression.
Ang pagka-inis, kapag pinatagal, nagiging pagkamuhi.
Ang worry, kapag pinatagal, nagiging anxiety.
Ang galit, kapag pinatagal, nagiging bitterness.
As you can see, hindi maganda ang effect kapag pinapatagal natin ang negativity sa ating mga puso at isipan. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, “always think positive”. Hindi lang ito expression o tagline na gusto kong pasikatin, ito ay isang principle sa buhay na talaga namang magbibigay ng magandang effect hindi lang sa buhay mo kundi pati narin sa buhay ng mga nakapaligid sa iyo.
“Ang worry, kapag pinatagal, nagiging anxiety. Ang galit, kapag pinatagal, nagiging bitterness. Kaya’t huwag patagalin!”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY
- Ano ang mga negative emotions na pinapatagal mo ngayon?
- Paano mo tutulungan ang sarili mong mag let-go?
- Sino ang mga taong maaaring tumulong sa iyo para ma-overcome mo ang mga negativity sa buhay mo?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.