May nawala ba sa iyo just recently?
Dapat ka na ma-promote, pero naunsyami!
Yung malaking project na hinihintay mo, nasulot!
Kliyenteng muntik nang makuha, nagbago pa ang isip!
Pera na naging bato pa!
Nakakalungkot nga naman talaga ang ganitong mga pangyayari. Para bang sinukluban ng langit kaya wala ng gagawin kundi manghinayang.
Kung nangyari ito sa iyo, how should you deal with this?
ACCEPTANCE
Wala tayong magagawa kundi tanggapin na nangyari na nga ito at bumangon para makabawi.
Hindi naman natin mababago ang sitwasyon, hindi ba?
Look at this instead as a…
BLESSING IN DISGUISE
- Natanggal ka nga sa trabaho PERO nakawala ka naman sa mga officemate na lagi kang pinagkakaisahan.
- Nalugi ang business PERO next month gigibain na pala yung building na kinatitirikan nito.
- Nasulot nga sa’yo yung kliyenteng niligawan mo ng ilang linggo PERO nang iiwan pala ito sa gitna ng usapan.
You see, hindi porket nawala sa atin ito, it doesn’t mean nangyari ito dahil may mali sa atin.
Nangyari ito dahil meron itong kapalit na MAS maganda, MAS nararapat at para iligtas tayo sa isang bagay na MAS mabigat.
PRAY
Kapag…
…hindi maintindihan
…nagagalit sa nangyayari
…nalilito sa kung anong nakalaan
Dasal lang. Alam ng Diyos ang pinagdadaanan natin at ang kelangan gagawin. Let God guide and control our lives.
“In times of confusion or chaos. It is time for us to TRUST and PRAY.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Anong nawala sa’yo?
- How are you coping with it?
- Anong gagawin mo para makalampas dito?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.