May mga kakilala ba kayong mga taong parating galit?
May tinatanong ka lang, pabalang kung sumagot.
Para silang mga leon na hindi mo alam kung kailan aatake.
Kung nakakapatay lang ang kanilang mga tingin, ang dami ng naglaho.
Ang masakit nito, kung yung mga taong ganito ay mga mahal mo sa buhay.
Dahil hindi mo sila basta maiiwasan.
Kung ka opisina mo, ka mag-anak mo, classmate mo, pwede pang umiwas. Pero kung kasama mo sa buhay, at nakatira pa sa iisang bahay at minsan katabi mo pa matulog. Paano ka makakaiwas?
Kung ikaw ay naghahanap ng lunas sa matagal mo ng problema, ito ang maipapayo ko sa iyo:
HUWAG MONG PATULAN.
You do not fight fire with fire.
Gagamit ka dapat ng tubig.
Kung ito ay pinatulan mo, iisa lang ang ending nito, GIYERA!
PUMILI NG TAMANG TIMING.
Pag-usapan nyo muli kung maganda na ang mood.
Kung malamig na lahat.
PRAY.
Panalangin na mabago ang kanyang puso.
Kung ano mang ang hugot nila sa buhay sana maayos na ito.
Maniwala ka, only God can change their hearts.
“Ang mga taong galit ay may pinaghuhugutan. Huwag mong patulan”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Sino ang kilala mong ganito?
- Ano kaya ang dahilan?
- Gagayahin mo ba ang ganito o pipiliing mag #ChinkPositive?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.