Have you ever been hurt by someone?
Hindi lang isang beses, pero paulit-ulit.
Wala ka namang ginagawa sa kanya, pero parati ka ng lang pinupuntirya.
May gawin kang maganda, may comment silang nega.
May gawin kang masama, may sasabihin pa rin sila.
Hindi mauubos ang puna, pintas at comment ng mga tao
In other words, ito yung sinasabi nilang MORTAL na KAAWAY.
Parang MORTAL KOMBAT lang na game.
Meron kang kaaway for life.
Ang masakit pa nito, sila pa ang mga taong malapit sayo.
Minsan, ito pa ang mga kapatid, kaibigan o kamag-anak.
Bakit ba may mga taong parati ka na lang target awayin?
Ang mga taong galit ay parating galit.
Wala kang magagawa.
You and I cannot do anything to please them.
HUWAG MONG PATULAN
Kaya kung papansinin at papatulan mo pa sila, masasayang lang ang effort mo.
Why don’t we focus our time and energy to something that is more productive?
Mag-focus ka nalang sa ibang bagay.
Bagay na makakabuti sayo.
Bagay na makakatulong sa iyong pag-unlad.
Bagay na makakahilom ng iyong sugat.
Bagay na para ikaw ay maka move on.
Focusing our time and energy on the negative will only bring out the worst in us.
“FORGIVENESS comes only by the GRACE of GOD.”
-Chinkee Tan, Top Motivational Speaker Philippines
THINK. REFLECT. APPLY.
- Kapatid, nakaka-relate ka ba sa blog na ito?
- May mga mortal ka bang mga kaaway?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.