Ganito sila noon! Ganito pa rin sila ngayon! Ganito pa rin kaya sila bukas?
May kakilala ba kayong tao o pamilya na hindi na nagbago ang kanilang buhay? Kung ano ang buhay nila noon, ganito pa rin ang buhay nila ngayon! Yun bang paulit- ulit nalang ang nangyayari, walang pagbabago! Ano kaya ang mga pagkakamali sa buhay nila?
Tumira din ako sa Tondo na humigit kumulang ng 23 years. Sa tagal namin doon, marami kaming naging kapitbahay at madalas din ako nangangapitbahay. May isa kaming kapitbahay na nakuha ang aking pansin, itago na lang nating sa pangalang Mr. and Mrs. Jose, na may apat na anak. May matatag na hanapbuhay ang kanyang asawa, sa katunayan ay kumikita ito ng higit pa sa normal na mga empleyado. Naglilingkod ito sa isang malaking kumpanya bilang isang supervisor.
Hindi naman masasabing maluho sila. Pangkaraniwan lang ang kanilang mga gamit sa bahay tulad ng tv, ref, washing machine, atbp. Pero bakit napakarami nilang utang. Hindi lang sa isang tao may pagkakautang si Mrs. Domingo. May pagkakataong nagtatago siya sa amin pag may naghahanap sa kanya para maningil. Dumarating din ang pagkakataon na napuputulan din sila ng kuryente at tubig. Kaya’t minsan pagdating ng Pasko ay halos wala ng gaanong natitira ay kinakaltas na ng kumpanya ang mga nailoan na halaga. Pati ATM ng kanyang asawa ay naisasangla ni Mr. Domingo. Bakit ganon? Kaliwa’t kanan pa rin ang utang ni Mrs. Domingo, pati sa mga loan sharks o 5-6 ay mayroon siyang utang, ganun din sa mga pumupuntang Bombay. Wala akong nakitang pagbabago, lubog pa rin sila sa pagkakautang, kaya nagtatanong ako, ano ba ang pagkakamali ng mag-asawang ito. Paano kaya bukas, ganito pa rin kaya sila? Paano sila makakaahon sa ganitong kalagayan? Paano natin sila matutulungan?
Gumawa ako ng isang analysis ayon sa aking nalalaman, at ito ang natuklasan ko.
1. Ano ang problema kay Mrs. Jose?
Ang nakikita kong problema ay wala siyang control sa kanyang sarili. Mahilig ka siyang bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan tulad ng magagandang kurtina, o mga bagay na iniaalok o inilalako ng hulugan. Mahilig din bumili ng mga alahas na pilit din bilhin kahit hindi kaya. Kaya’t nauuwi sa utang. Mga bagay na nagbabaon sa kanya sa kumunoy ng pagkakautang. In other words, napupunta ang gastusin sa WANTS hindi sa NEEDS.
Solusyon:
Alamin ang PRIORITY sa buhay, unahin ang mga pangunahing bagay, focus on the NEEDS not on the WANTS first. Ipikit ang mga mata sa mga materyal na bagay na hindi mo naman kailangan. At matutong maglaan ng ilang bahagi ng kita ng asawa para sa mga bagay na kailangan.
2. Sa inyong palagay, may pagkakamali din ba ang kanyang asawa, si Mr. Jose?
Hindi siya naging MATATAG. Kung alam na niya kulang sa disiplina si misis, bakit niya hinayaan at pinabayaan. Dalawang klaseng kasalanan sa buhay. Yun ay ang sin of COMMISSION at OMISSION. Commission yung ginawa mo, yung omission yung dapat mong gawin na hindi mo naman ginawa. Napakabait ni Mr. Jose, sa katunayan lahat ng sabihin ng kanyang asawa ay kanyang sinusunod ng walang pagtutol. Subalit ang kabaitang ito at ang kanyang pagsasawalang kibo ay isang malaking pagkakamali. Napakalaki ng kinikita ni Mr. Jose para matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan, subalit sa kabila nito ay tila kapos pa din dahil sa dami ng pinagkakautangan ng kanyang asawa.
Solusyon:
Kailangan MANINDIGAN ni Mr. Jose
Ang tanong, “Dapat bang makialam na ang kanyang asawa sa ganitong problema, o patuloy pa rin siyang magsasawalang kibo?”
Kung ang ina ang ilaw ng tahanan, ang ama naman ang haligi ng tahanan. Dapat marunong manindigan ang mga kalalakihan. And because God ordained men to lead the women; pag dating sa mga desisyon kailangan pag-usapan at pakinggan ang panig ng mag-asawa pero sa huli si mister pa rin ang gagawa ng pagpapasiya. Bakit lalaki lang ba dapat ang masunod? No at all time, ang dapat masunod yung tama, yung may logic, yung may katwiran. Kailangan pa ba tanungin at pagtalunan kung bibihin ang flat TV screen kung ito ay uutangin? Yung ipambabakasyon niyo na i-crecredit card niyo muna? Yung ipambibili ninyo ng regalo sa kamag-anak niyo ay uutangin mo? I hope you understand; this is not an issue of gender or male machismo. This is an issue of what is right and wrong, as simple as that.
Sana naman ay may natutunan tayo sa kwento ng mag-asawang ito at huwag na natin ulitin ang pagkakamali ng ibang tao.
THINK. REFLECT. APPLY.
Sa iyong sariling financial life, ikaw ba rin ay nawalan ng control at self-discipline at ngayon ay may utang?
Ikaw rin ba ay nagpabaya at hinayaan mo ring na kayo ay lumubog sa utang?
Babaguhin mo na ba ang lifestyle ng pangungutang?
Kung gusto mo tunay na makalaya, I want you to click this link https://bit.ly/1wOrPI6 and watch the video.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you find this article interesting? Check out these other related posts:
- Change Your Financial Life
- 4 Ways To Change A Bad Habit
- 5 CHOICES TO MAKE TO LIVE A POSITIVE LIFE
- How Can We Stop Complaining?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.