NA BACKSTAB KA NA BA?
Ikaw ba ay nabiktima na nang mga taong imbis na prangkahin ka eh, sa iba nalang inilalabas ang sama ng loob?
Kapag tinanong mo, ang sagot sa iyo:
“Wala” ang sagot, pero alam na pala ng buong klase o opisina? O kaya,
“Hindi ako galit, tapos na yun” pero pagtalikod, ang dami dami ng pinagkakalat tungkol sa inyo?
BACKSTABBING ang tawag diyan. May ibang tao na PINAPAGANDA pa ang pag backstab by telling others na concern siya sa iyo, pagkatapos kung ano-anong ‘sing bitter ng ampalaya ang lumalabas sa bibig nila.
Halimbawa nito ay sa mga magkaka-opisina. Napromote ka sa office or you were able to achieve a certain award and was recognized for your effort.
Heto na; may mga lumalapit sa iyo at ito ang dialog,
“Wag mo na pansinin mga yun, basta ako I’m happy for you!”
“Sus, inggit lang mga yan!”
“Eh papano sila hindi mapromote-promote.”
Akala mo kaibigan mo at nagmamalasakit, pero hindi mo alam, ito naman ang press release niya sa iba.
“Oo nga yumabang nga yan, di naman siya dating ganyan”
“Ako dapat yan eh, eh wala, sipsip eh”
“Lumaki na ulo eh”
In this story itself, makikita mo na yung epekto ng backstabbing. IT DESTROYS SOMEONE’S LIFE instead of helping him/her change for the better.
Kung ikaw ay naging biktima ng back stabbing, instead na mainis ka ng tuluyan at masira ang araw mo. Bakit hindi na lang tignan at unawain ang mga dahilan kung bakit ganito ang ugali ng ibang tao?
Why do people backstab?
LOW SELF ESTEEM
Mababa ang kanilang tingin sa kanilang sarili. Gumagawa sila ng paraan to get the attention of others wherein sila ang nasa limelight, at sila nag mapapansin.
SELF-CENTERED
Iniisip lang naman nila ang kanilang sarili at kung paano ka makakakuha ng mga kakampi. Hindi nila iniisip ang magiging epekto nito sa buhay ng ibang tao. All they care about is what they feel rather than what others feel.
ENVY
Naiingit sila sa nakamit ng iba. Nalulungkot sila para sa kanilang sarili at hindi sila nagiging masaya para sa iba. Yung feeling bang hindi sila makatulog dahil busy silang isipin na bakit siya ang nabibigyan ng break, mas magaling at masipag ako sa kanya.
So now you know the reasons why some people backstab.
I hope this will serve as a lesson for us not to also fall in the trap of backstabbing.
Minsan kasi, hindi natin napapansin, na mismo pumapasok na rin tayo sa area ng backstabbing. Minsan ang dating ay CONCERN LANG TAYO kaya tayo may comment sa iba. But before we say anything next time; check your heart kung bakit mo sinasabi yan. Ikaw ba talaga ay concern or gusto mo lang siraaan ang iba.
Kung tunay tayong concern: We should be concern enough to tell the person directly and privately. If you don???t do it that way, kapatid, you are already guilty of backstabbing.
I hope this short blog about backstabbing will enlighten you, give you a better and honest perspective, kung concern lang ba tayo or nagbaback-stab na tayo.
THINK.REFLECT. APPLY
Have you been backstabbed lately? What is your plan for you to move on?
Have you backstabbed some people lately? Consciously or unconsciously?
What are you also planning to do about it?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help? You can also check out other related topics about dealing with difficult people:
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
- HOW TO DEAL WITH ‘NEGA’ PEOPLE
- How To Deal With Self-Centered People
- How To Deal With People Na Walang Sense Kausap
- How To Deal With Favoritism At Home Or At Work
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.