May nakausap ka na ba na wala nang ginagawa kung hindi maglabas ng sama ng loob?
Habang tumatagal ang usapan, para kang nauupos na kandila dahil nauubos na ang pasensya mo.
Panay reklamo at pasakit na lang ang maririnig mo.
Nakakainis man silang kausapin, pero nakakaawa din naman.
Dahil lahat ng nagtatangkang makipag usap sa kanila ay napapagod dahil sa kanilang ka “nega-han” at in the end nauuwi sa wala nang gustong makipag usap sa kanila.
Ang spiel niya ay:
“Walang nagmamahal sa akin.”
“Walang nakakaunawa sa akin.”
Actually maraming nagmamahal sa mga taong ganito, pero nakakapagod lang silang dalhin at hindi na kaya ikeri ng ibang tao.
Hindi lang naman siya ang nangagailangan ng kalinga at pansin, marami pa din naman kasing iba na kailangan pagtuunan ng pansin.
Kaya minsan ay hindi na talaga kayang pansinin pa ang kanilang pasanin.
Hindi na keri ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya nag-eemo minsan na siya ay feeling neglected.
At kung may kakilala kayong mabigat dalhin, I highly suggest that you help them by changing their…
MINDSET
Napakadami naman talagang problema sa mundong ibabaw at HINDI ITO MAIIWASAN. Kaya nga sana, Huwag nadagdagan ang pasanin ng ibang tao.
If they view their problems as negative, ang kabigatan nito ay nagiging TRIPLE kaya madalas hindi na kinakaya at naipapasa sa iba nang hindi namamalayan. Our attitude is a reflection of our own mindset.
Para makaiwas at MAKADAGDAG sa bigat na pinapasan ng ibang tao, encourage them to modify their outlook. Pwede nilang tingnan nila as an opportunity para mas mahasa ang kanilang CHARACTER.
Kapag may pila sa counter, NAKABUSANGOT na kaagad at para silang mga ARMALITE na bumibira na walang pasabi. Ngunit hindi nila alam na ang mga simpleng bagay na tulad nun ay ang magte-train sa kanila para humaba ang kanilang PASENSYA.
At karamihan ng magagandang bagay dito sa mundo, makukuha natin kung marunong silang MAGHINTAY.
What I want to encourage these type of people that they have the power to…
CHOOSE
What you feed becomes stronger and what we starve becomes weaker. So choose what you FEED your thoughts everyday!
Kung ang binabasa natin ay nagbibigay lang ng negative input, STOP reading it. Maawa naman tayo sa ating sarili, wag naman natin i-torture ang ating sarili.
Puro na lang din ba bad news ang naririnig natin? Mag-break muna tayo sa pakikinig nun and start LISTENING to uplifting stories. Madami naman na available sa You Tube at siyempre make it a habit to read my blogs and watch my videos.
And if you are influenced by other people kaya ka “ginaganahan” na magreklamo, do yourself a favor, AVOID them as much as you can.
Hindi naman sa nag-susuplada ka. Pero kasi by helping yourself first, you can help them EVENTUALLY. Kapag ikaw ay certified positive na, it’s time for you na hawaan naman ng ka-positibohan ang mga nega mong kaibigan at mahal sa buhay.
THINK. REFLECT. APPLY.
May kakilala ka bang mabigat dalhin?
Ikaw, kamusta ang iyong outlook sa buhay?
Gusto mo na bang gumaan ang iyong pasanin?
Paano mo ito uumpisahan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you surrounded with difficult people? Check out these other related posts on these kinds of attitude?
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
- HOW TO DEAL WITH ‘NEGA’ PEOPLE
- How To Deal With Self-Centered People
- How To Deal With Favoritism At Home Or At Work
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.