Tatalon sa bangin kasama mo…
Kasama mong tatawid sa apoy…
Lalangoy sa baha para sayo…
Ang huling fita biscuit nya ay ibibigay pa nya sayo..
Napakasarap magkaroon ng mga ganitong kaibigan. Mga kaibigang tunay na di ka iiwan, sasamahan ka sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya. Pwede kang magkaroon ng maraming kaibigan pero ang magkaroon ng tunay na kaibigan ay talaga namang isang kayamanan!
Paano mo nga ba malalaman kung ang iyong kaibigan ay totoo? Ano ba ang mga katangian nila? Para sa akin ang tunay na kaibigan ay TAPAT. Masasabi kong tunay ko syang kaibigan kapag siya ay honest at transparent sa akin.
Ang mga tunay na kaibigan ay kayang sabihin sa iyo ang katotohanan kahit ito ay masakit. Madalas kasi may kaibigan tayo na ang sinasabi lang nila sa atin ay yung mga bagay na gusto nating marinig. Kaya madalas, napapahamak tayo, dahil may mga kaibigang hindi kayang magsabi ng totoo.
Ang tunay na kaibigan ay kayang sabihin sa iyo na mabaho ang hininga mo, na amoy kili-kili ka, na may buhok kang nakalawit sa ilong, na kailangan mo nang magpapayat at kung anu-ano pa. Hindi uso sa kanila ang mambola. They are sincere in praising and affirming you, but they are also sincere when there are things that you need to improve on or change. Ito ang tunay na friendship goals.
They are bold enough to tell you the truth because they know that the truth will set you free. Aminin man natin o hindi, the truth hurts. But we should understand that even though it hurts, it will make us a better person. Madalas para pa silang mga nanay at tatay na kung pagalitan at pagsabihan ka ay wagas. Kulang nalang kurutin ka sa singit pag nagkamali ka. Bakit? Kasi concerned sila sa iyo. Their care is genuine. Ayaw ka nyang masaktan, mapahamak at mapariwara. Their truthfulness and honesty is rooted in love. Katulad ng mga magulang na nagmamahal sa anak kaya nila ito dinidisiplina, ganun din ang mga tunay na kaibigan. Hindi ka hahatakin pababa, hindi ka itutulak sa kasamaan o sa paggawa ng mali at hindi ka ipapahamak.
Their intention is not to hurt you, but to help you, to build you up and not to tear you down, to bring out the best in you and not to humiliate you. Friendship and trust should always go together.
Sabi nga sa Proverbs 27:5-6, “Better is open rebuke than hidden love. Wounds from a friend can be trusted, but an enemy multiplies kisses.”
Kaya kung meron kang tunay na kaibigan sa tabi mo, pahalagahan at ingatan mo sya. Pasalamatan mo sya sa pagiging totoo nya sa iyo. A true friend is more valuable than gold or silver.
THINK. REFLECT. APPLY
Meron ka bang matuturing na tunay na kaibigan?
Ikaw ba ay tunay na kaibigan?
Ano ang pwede mong gawin para maging isang tunay na kaibigan?
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
To find a true friend, you also have to be one. Check out these other related articles:
- HOW TO RECOGNIZE A TRUE FRIEND?
- THE VALUE OF HAVING TRUE FRIENDS
- MAY KAKILALA KA BANG NOT FRIENDLY BUT USER-FRIENDLY PEOPLE
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.