Naranasan mo na ba ang mga ito?
- Madalas kang nalilipasan ng gutom kasi hindi na sapat ang pera mo para makabili ng pagkain.
- Hinahabol ka ng mga pinagkakautangan dahil ilang taon na, hindi pa din bayad.
- Gusto mong mag-aral pero hindi makapag-aral dahil walang pang-tuition.
- Minsan ay walang permanenteng tirahan. Kung saan saan nalang nakikitira dahil walang sapat na pambayad ng renta.
Ano ba ang common sa mga ito?
Simple. Madalas ito ay mga karanasan na pinagdadaanan ng isang taong mahirap.
Palagi kong sinasabi na wala namang masama kung ipinanganak ka sa hirap, dahil wala naman tayong control doon at hindi natin choice ang ipanganak tayo sa ganung sitwasyon. Pero hindi na mabuti at hindi tama kung panghabangbuhay na lamang tayo sa buhay mahirap dahil lamang sa hindi tayo gumagawa ng paraan para makaahon at magbago ang life situation natin.
Mahirap kaya maging mahirap — Ano ang mahirap sa sitwasyon na ganyan? Para bang hindi tayo makakilos at lagi na lang nag aalala sa bawat araw sa buhay na ito. Pati ultimong mga responsibilidad sa basic needs natin, eh hirap na hirap tayong gampanan ito.
Kaya naman ito ang mission ko, to educate and motivate people to be the best that they can be when it comes to finances, and to help you realize kung bakit kailangan mong makawala sa kahirapan—NGAYON.
Bakit nga ba mahirap ang maging isang mahirap?
PARATING KAPOS
Last month pa due ang kuryente, tubig, at iba mo pang obligasyon pero ngayon ka lang makapag-bayad kasi ngayon ka lang nagka-extra na pera. Pero ang masakit, kung minsan kailangan mo i-installment pa kasi kapos ang pambayad. Nakaka-nerbyos kasi alam mong mapuputulan ka na ng basic services na ito, at magiging stressful pa kasi madami kang prosesong dadaanan at magpapatong patong na ang mga interest mo sa pinagkaka-utangan. Naging pangarap na lamang ang magkaroon ka ng sapat na pera kahit minsan lang sa buhay mo.
WALANG KATIYAKAN
If you are in poverty, nabubuhay ka one day at a time. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas – kung may trabaho ka pa, kung may pang kain ka pa, kung may tirahan ka pa, at iba pa. Sa buhay mahirap, madalas ay walang kasiguraduhan ang buhay, kaya hindi ka din capable na mag-plan ng maayos para sa kinabukasan mo.
When you are in poverty, you are only living in the moment, therefore, it doesn’t give you the luxury to think about the future anymore, like future savings, future investments, etc. At kung may emergencies or nawalan ka na ng trabaho ng tuluyan, magiging mas mahirap ito kasi hindi ka nakapag-prepare for it.
MALING DISKARTE
Living in poverty causes daily stress, anxiety, and fear kasi hindi mo alam kung papaano ka makaka-survive sa araw araw. Once na kinain ka na ng mga emotions na ito, this may lead to even more bad decisions just trying to solve the problem, pero usually temporary solutions lang ang mga ito.
Nandito na yung mangungutang ka, magmamadaling maka delihensya by accepting other jobs ng sapilitan, or malululong sa pustahan at “easy money” games para magbakasakali hanggang sa naubos na yung natitira mong pera.
MADALAS MAGKASAKIT
Hindi mo na napapansin pero nadadamay na pati health mo. Hindi mo na ito napapansin na because you are very low on cash, your tendency is to always go for cheaper food like canned goods, instant noodles, or even fast food. When you do this every day, nawawalan ka na ng important nutrients para maging malusog ang katawan mo. Your health will actually deteriorate.
Minsan naman, to relieve any discomfort or pain, itinutulog mo na lang ito because you can’t buy medicine or even send yourself to a hospital or clinic man lang.
NAWAWALAN NG PAG-ASA
Dahil sa ikaw ay nabubuhay sa kahirapan, isa sa mga bagay na maaring wala ka is proper and continuing education. Karapatan ng bawat tao ang makapag-aral, pero hindi mo na ito ginagawa because in reality nahihirapan ka bumuo ng pera. Eh, sa basic needs palang hirap ka na. Paano pa ang tuition, pamasahe, baon at iba pang school fees. Nakakalula na at nakakawala ng pag-asa.
Alam mo na education is your ticket to succeed in life, pero nao-overwhelm ng problema mo sa kahirapan ang drive mo to pursue success in life.
Pwede bang makalabas sa pagkahirap, Chinkee?
THE ANSWER IS A DEFINITE YES!
Kung ako nagawa ko, kaya mo rin gawin.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ang tanong, naniniwala ka ba na mangyayari ba ito sa iyo?
Kung hindi ka naniniwala, bigyan mo naman ako ng pagkakataon na maniwala para sa iyo.
#mahirapnamagingmahirap #chinkeetan #chinkpositive #motivationalspeakerinthephilippines
====================================================================
Are you having a hard time saving money? Do you want to know the best ways to save money and how to save money fast? Are you willing to take money saving challenges so that you can manage your finances?
Become an Iponaryo this year and sign-up for Ipon Pa More event here,
https://chinkshop.com/
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and especially on financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article motivate you to step out from that poverty mindset? You can also check out these related posts:
- Becoming Wealthy Starts with a Healthy Money Mindset
- Wrong Mindset That Can Make Us Poor: Fear
- HOW TO TAKE ACTION TO BECOME A WEALTHY PERSON?
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.