Today is our last day here in Ireland, and I can say that this will be on our list of most unforgettable travel and experience, but not because of the great weather, sights and fantastic tourist spots.
It is because sobra akong na-overwhelm sa kindness and hospitality na ipinakita ng ating mga kababayan dito sa Ireland. Walang pagod na kami ay sinamahan, pinasiyal, pinakain at nilbre sa lahat ng aming mga lakad.Ito lang ang masasabi ko sa mga Pinoy, kahit na nasa ibang bansa:
HOSPITABLE
Gagawin nila ang lahat to make you really feel at home. They will not treat you as a tourist, but as their guest. They will do everything they can to make your time there comfortable and enjoyable. Grabe talaga! They drove us around and even opened their homes. Kung ano ang kanilang kinakain yun din ang kanilang pinapakain. Ibang klase talaga ang hospitality ng mga kababayan natin.
GENEROUS
They will not withhold anything para lamang maging masaya ang kanilang guest. Biruin mo, halos lahat ng pinuntahan namin sila ang nagbayad. Sasama pa ang loob nila kung tinanggihan mo ang kanilang kabutihan. Ikaw na ang mahihiya sa sobrang generous nila. Kapag naghanda parang walang bukas. Dito mo makikita kung gaano kagalante ang mga Pilipino sa kanilang mga bisita. Kaya nga napakasaya din kasama ang mga Pinoy. Kahit saan, dala-dala yung nakapa generous na heart.
LOVING & CARING
This is one thing you cannot deny, that Filipinos are loving and caring people. Concerned sila sa kung ano ang nangyayari sayo. Parati silang nagtatanong kung kamusta ka na. Dadamayan at hindi ka iiwanan kung ikaw ay merong problema. Dahil sa katangian na ito, ang Pinoy ay maaasahan sa anumang oras, sa anumang panahon.
Iilan lamang ito sa mga magaganda nating katangian bilang Pilipino. Kaya, kahit saan kang bansa pumunta ay dapat mo ipagmalaki na ikaw ay isang Pinoy. Huwag kang manliit o ma-intimidate sa ibang lahi at lalong huwag kang mahihiya sa pagiging isang Pinoy. Napakarami nating kakayahan at mako-contribute sa ikauunlad ng mga bansa kung saan tayo naghahanapbuhay, at ganun din sa buong mundo.
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He is happily married to his beautiful wife, Nove Ann and living the life with his 3 amazing children. Not only is he a husband and a father but also a Filipino motivational speaker who specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.