Ano ba ang ibig sabihin ng manhid o “wapakels”?
Ito yung mga taong walang pakialam sa kanilang kapwa o paligid because in this picture, there’s nothing more important than themselves. Minsan ba wala kang pakialam sa ibang tao, sa emosyon nila, o di kaya’y sa nangyayari sa paligid mo? Kung hindi naman, may mga kakilala ka bang ganito? Yun bang they live for themselves alone, tapos other than that, wala, “NR” lang?
Halimbawa:
- Nagaaway ang dalawang mag-asawa, yung isa umiiyak na, yung isa nag-walk out at nanuod na lang ng tv;
- May nakasakay sa bus na matanda na madaming bitbit, pero imbis na paupuin, nagtulug-tulugan o patay-malisya;
- May sakit na ang nanay pero ang anak dali daling pumunta sa birthday party ng barkada.
Ang pagiging walang-paki is also called ’emotional numbness’ na kung saan disconnected ang emotions mo marahil dahil sa mas piniling lumayo sa ibang tao or sa isang specific na sitwasyon for a certain reason.
People who are emotionally numb don’t react or respond to situations or they act differently so that they remain uninvolved.
Teka matanong ko— minsan ba hinuhusgahan mo na kaagad sila base sa sitwasyon o naisip mo munang intindihin o alamin kung bakit sila ganito?
Bakit nga ba may mga taong manhid? And can emotional numbness be cured? Let’s dig deeper.
KATAMARAN
Wala lang! Tamad lang! Hindi mo mautusan, walang kusa, walang pakialam sa iba. May paki lang kung siya ang involved at magbebenepisiyo. May mga kakila ba kayong ganyan?
TRAUMA
Any traumatizing event can possibly lead to numbness. Paano? Kung ikaw ay nasaktan before o may napagdaanan kang hindi maganda, ayaw mo na syempre mangyari ulit iyon, hindi ba?
Kaya feeling mo tuloy, lahat ng nangyayari sayo na may koneksyon sa nakaraan mo eh magdadala lang ng sakit. Kaya heto ka’t iniiwasan mo or pinangungunahan by saying, “Sus, alam ko na mangyayari diyan!” para lang makaiwas.
STRESSED
Because of too much pressure sa pamilya, asawa, o trabaho, gusto mo nalang kumawala para hindi ka mahirapan sa kakaisip o kakahanap ng sagot sa iyong mga katanungan sa buhay.
Kung baga, napapagod ka na sa mga nangyayari.
Ang malungkot lang, ang nagiging solusyon ng iba ay ang pag-inom ng alak, gambling, or even drugs because they believe that by doing so they will forget their problems. Remember that these are all wrong and temporary. You can just give yourself a break para makapa re-charge at makapag-isip ka ng matino. Then bounce back!
GRIEVING
Losing a loved one can cause so much pain. Ayaw mo pag usapan, ayaw mo madinig, o maalala, so again, iiwas ka nalang.
Malalaman mong grieving ang isang tao kapag ang way niya ng pagiging manhid o walang pakialam is by giving you a silent treatment, yun bang madami na nangyayari sa paligid pero siya nagmumukmok lang, umiiyak, at kapag kinausap mo, parang wala siyang nadidinig.
DEPRESSION
This can be caused by a lot of things and can lead to emotional numbness.
Maaring walang pakialam o manhid ang isang tao when:
- A person suddenly feels useless;
- Feeling isolated from the family or any group;
- Sudden change because of an unexpected event, etc
These people are so emotionally down kaya kapag kinausap mo usually they tend to raise their voices just to prove to people that they are okay and there’s nothing to worry about, kahit na malalim na malalim na ang pinaghuhugutan nilang problema —ito yung tinatawag na defense mechanism.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, ano ang palagay mo? Minsan ikaw ba ay nagiging manhid na sa mga taong nasa paligid mo? O pilit mong minamanhid ang iyong sarili?
Anong dahilan kung bakit ayaw mo nang makialam?
Sa papaanong paraan ka kaya makakabangon o makakatulong sa ganitong sitwasyon?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, dealing with relationships within family, friends, work and other people and financial management techniques to name a few. He continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines and being a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article help you? You can also check out these related articles on dealing with people:
- How To Deal With Continuous Rejection
- How To Deal With Haters
- How To Deal With A Rude Person
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.