Tulog dito.. Tulog doon..
Tambay doon.. Tambay dito..
Laro maghapon-magdamag…
Nakababad sa TV at gadget..
Consistent sa pagiging unproductive..
Walang nagagawa buong araw.Bakit nga ba may mga taong tamad? Minsan sa buhay natin alam kong dumaan tayo sa panahon na tayo ay tinatamad. Tamad bumangon sa kama, tamad pumasok sa school, tamad pumasok sa opisina, tamad gumawa ng kahit ano.Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay naging tamad in one way or another. Pwede kang maging masipag magtrabaho pero tamad kang mag exercise. Pwede kang maging masipag sa pagluluto pero tamad ka naman maglinis ng bahay. Sa totoo lang, napakahirap kalabanin ang katamaran. Kahit gustong-gusto na nating magbago at sipagin, di natin magawa kasi tinatamad tayo. Ang hirap diba?
Bago natin malaman kung paano lalabanan ang katamaran, alamin muna natin ang mga posibleng dahilan kung bakit tayo tinatamad:
PAGOD AT OVERWORKED
Kapag sobrang dami na nating na-accomplish at nagawa parang gusto natin mag-shut down minsan. Yung tipong drained na drained na tayo kaya ang gusto naman natin ay tamarin at hindi gumawa ng kahit ano.
NAIMPLUWENSYAHAN
Nahawaan ka ng katamaran. Maaaring napapaligiran ka ng mga taong tamad, walang ginagawa sa buhay at unproductive. Madalas ang mga taong tamad ay lalong nagpapakatamad dahil may mga tao naman silang inaasahan na gagawa ng mga bagay para sa kanila. Tamad sila magtrabaho at magsumikap kasi may sustento o parents financial support naman silang tinatanggap. Tamad kumilos at gumawa ng mga gawaing bahay dahil si Nanay o si Misis naman kasi ang gumagawa ng lahat. Tamad mag-aral at mag-review kasi pwede namang mangopya sa kaklase. Kung sakaling walang ibang pwedeng asahan, siguradong mapipilitan tayong wag tamarin.
NAKASANAYAN
Sa dami ng palabas sa TV, dami ng laro sa mga gadgets, dami ng pwedeng panoorin sa youtube, dami ng pwedeng makita sa facebook at iba pang social media, dami ng pwedeng maka-kwentuhan na kapitbahay, dami ng online shopping, at kung ano-ano pa, hindi talaga malabong tamarin ang isang tao.
Habit na. Napakahirap pa namang mag-break ng habit. Maaaring nakalakihan na ang ugaling tamad kaya hanggang sa pagtanda dala-dala ito.
KAWALAN NG DIREKSYON
Walang motivation. Walang plano sa buhay. Walang disiplina. Walang gana. Nawalan ng pag-asa. Maaring minsan ng nabigo sa buhay kaya tinamad na. Ayaw ng mag-try ulit kasi baka mag-fail na naman. Kaya tatamarin nalang.
MABABANG SELF-ESTEEM
Feeling walang kakayahan. Feeling weak, kaya iba nalang ang gumawa, iba nalang ang kumilos. Feeling na hindi sya magaling. Walang bilib sa sarili at walang tiwala sa kaya nyang gawin.
Choice. Pinili maging tamad. Simply because that’s what he/she wants.
Ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit may mga taong tamad. Alam ko na ang iba sa atin ay naka-relate dito. Ano pa man ang ating dahilan kung bakit tayo tinatamad, sana ma-realize natin na may mga taong naaapektuhan sa ating katamaran. Kung ang mga langgam nga ay nagtatrabaho at kumikilos, tayo pa kayang mga tao na may isip, may kakayahan at may talino. Huwag nating sayangin ang bawat minuto, oras, araw at panahon sa pagiging tamad. Maiksi lang ang buhay para tamarin. Let’s live our lives to the fullest, para pagtanda natin, when we look back, wala tayong regrets, wala tayong ‘what if’s’.
Hindi pa huli ang lahat para magbago, kapatid! Umpisahan na natin ngayon. Huwag na tayong tamarin!
THINK. REFLECT. APPLY
Tinatamad ka ba?
Saan area ka tinatamad?
Ano ang naiisip mong paraan para labanan ang katamaran?
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to give up laziness and start a productive day? You can check out other related posts here:
- 4 HABITS THAT PREVENT US FROM SUCCEEDING
- DO YOU PROCRASTINATE?
- LIVING A PRODUCTIVE LIFE SERIES 1
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.