May kakilala ba kayong ganito?
Laging pakabig…
Ayaw magbigay…
Gusto siya lagi ang pinapaboran at pinagbibigyan…
Gustong angkinin lahat…
Hindi iniisip ang iba…
Walang ibang mahalaga kundi ang kanyang sarili…Aminin man natin o hindi, parang default nating mga tao ang maging makasarili. Mas madali sa atin ang maging selfish kaysa maging selfless. Kailangan po natin ng matinding effort para lang maging selfless; di tulad ng pagiging makasarili, parang it comes out naturally.
Pagmasdan at obserbahan mo ang mga bata. Kahit hindi mo ituro sa kanila ang maging madamot sa pagkain at laruan nila, ang mga natural responses nila ay, “Akin ‘to!” or “Mine!”. Kaya dapat ang tinuturo natin sa kanila ay ang mag-share at maging mapagbigay, kasi kung hindi, kakalakihan nila ito at iisipin nila na hindi mali ang maging madamot at makasarili.
Ano nga ba ang mga senyales na tayo ay nagiging makasarili?
Sa handaan, gabundok na ang pagkain sa pinggan mo pero kuha ka pa rin ng kuha kahit alam mo na marami pang nakasunod sa iyo na di pa kumakain.
Struggle mo ang pumila, hangga’t maari ayaw mo pumila. Gusto mo ikaw lagi ang nauuna.
Hindi mo values ang magbigay at mag-share, magbigay ka man dapat may kapalit o kaya dapat i-acknowledge kang mabuti.
Habit mo ang manghingi ng manghingi kahit meron ka naman.
Hindi mo iniisip ang kapakanan, pangangailangan o damdamin ng ibang tao, basta ang mahalaga sayo ay ang sarili mo.
Ayaw mo ng inconvenience, ayaw mo mag-adjust, ayaw mong nag-sasakripisyo.
Alam kong guilty tayo minsan sa mga halimbawang yan. Madalas hindi natin namamalayan na makasarili pala tayo in our own way. Hanggang sa mapapansin nalang ng iba. Akala natin karapatan lang natin yun, pero yun pala nagiging selfish na tayo.
Bakit nga ba may mga taong swapang o makasarili? Tatlo lang ang naiisip kong maaaring dahilan:
FAMILY UPBRINGING
Napakahalaga ng role ng ating mga magulang at pamilya sa kung ano ang pagkatao at values natin ngayon. Sa ating tahanan nagsisimula ang lahat at doon rin nabubuo ang ating foundation. Yes, tumatanda tayo at nagkakaroon ng sarili nating choice pero di natin maikakaila na importante ang ating ugat, ang ating pinagmulan. Kung lumaki tayo sa tahanan o pamilya na hindi itinuro ang tamang values at pagiging selfless, malaki ang possibility na madadala natin ito hanggang sa ating pagtanda.
HEART ISSUE
Maaaring may mga insecurities, resentment, jealousy, anxiousness, bitterness, envy at iba pang negative feelings sa mga puso natin kaya tayo nagiging selfish. Maaaring ito ang response natin para ma-cover ang mga negative feelings na ito. We cannot expect to have a selfless attitude if we have these things in our hearts. Kung malinis ang laman ng puso natin, sigurado akong walang bakas ng selfishness ang ating mga actions.
CHOICE
At the end of the day, kahit sino pa man ang nakapaligid satin, kahit ano pa man ang napagdaanan natin sa buhay, kahit deprived man tayo sa maraming bagay, hindi man naituro sa atin ang maging selfless, still, we have a choice. Tayo ang may hawak ng ating mga buhay. Tayo ang may control sa ating mga puso at isipan. Tayo ang nakakapili ng ating mga reaction at response. Tayo ang may choice. Kung makasarili man tayo, yun ay dahil sa choice natin. The good news is, we also have a choice to make things right and be selfless.
Hindi madali maging selfless. But whenever we feel like struggling to be selfless, let’s look at the life of Christ. Siya ang pinaka-perfect example ng pagiging selfless. He gave his all for us because of His great love for us. He even died on the cross for us. Wala tayong karapatang magdamot at maging makasarili dahil hindi tayo pinagdamutan ng Dios. Hindi Siya naging makasarili.
THINK. REFLECT. APPLY
Are you struggling to be selfless?
Ano sa tingin mo ang dahilan ng pagiging makasarili mo?
Have you checked the condition of your heart?
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did you enjoy this article? You can also check these other related articles:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.