May mga kakilala ba kayong mga war freak?
Yung ang hilig nila ay mang-away!
Yung parati silang galit!
Mabilis mag-react.
Nanlilisik ang kanilang mga mata.
Yung boses nila kasing taas ng Mt. Everest.
Umuusok sila sa galit.
At kasing lutong pa ng chicharon kung magbitiw ng mga pangit na salita.Sobrang nakaka-drain ng energy ang mga ganitong klase na tao. Kung pwede lang gumamit ng eraser para alisin sila mundong ibabaw, mas madali sana, diba? Pero in reality, hindi ganun kadali na mawala sila sa buhay natin dahil meron at meron tayong makakasalamuha na mga taong war freak.
Ang iba siguro pwedeng iwasan na lang. Pero paano kung sila ay parte talaga ng buhay natin gaya ng mga magulang, kapatid o asawa?
Kaya gustuhin man natin na laging matiwasay ang ating buhay, hindi maiiwasan na may mga susubok sa ating pag unawa. At ang mga kamag anak nating war freaks ay ang matinding hamon para sa atin.
Para mapagtagumpayan natin ang pakikisama sa mga war freak nating mahal sa buhay, kailangan maunawaan natin that they have a…
NEGATIVE PAST
We must understand na malamang HINDI SILA IPINANGANAK na war freak. Malamang may MATINDING PINAGDAANAN ang ganitong mga klase na tao kaya sila nagkaganun.
Nahihirapan silang i-RESOLVE ang kanilang past issues kaya araw-araw ay may mabigat silang dala-dala.
At dahil dun, they have a…
NEGATIVE MINDSET
It’s HUMAN NATURE na kapag may bad experiences tayo sa isang bagay, we will develop a negative mindset towards that. Kaya mahirap nga naman talaga na magkaroon ng POSITIVE OUTLOOK kung puro negative na bagay ang pumupuno sa puso at isip ng isang tao.
Let’s admit, it’s really DIFFICULT na makita ang silver lining kung natatabunan ng dark clouds ang iyong thinking.
Kaya in the process, war freaks developed a…
NEGATIVE CONDUCT
Dahil sobrang bigat ng BAGAHE nila, hindi na nila kinakayang bitbitin ito kaya nababagsak na lang nila ang dala-dala kung kani-kanino.
Ika nga, hurting people hurt people dahil sakit at paghihirap ang DUMADALOY sa kanilang sistema. Pasakit ang pinagdaanan nila kaya yun lang din ang alam nilang GAWIN sa iba.
In reality, war freaks are helpless, aminin man nila o hindi. Ipinapakita nila na matatag sila pero yung pagiging war freak nila mismo ang malaking senyales na HUMIHINGI SILA NG SAKLOLO.
At kung gusto mong matulungan ang isang minamahal na naging war freak, ito ang payo ko sayo:
STAY POSITIVE
Malaking challenge ito pero this is what they really need. INFLUENCE them toward having a positive environment. Be that positive influence in their lives. Huwag na huwag mo silang papatulan dahil MAKAKADAGDAG lamang ito sa negativity na nararanasan nila.
And you should also…
LEARN HOW TO FORGIVE
Aminin natin o hindi, kaya tayo madaling mainis at magalit is because meron pa tayong unresolved issues sa ating puso. Meron tayong kagalit sa buhay, or situation na talagang nasaktan tayo. Pero up to now, hindi pa tayo naka move on from this. Dala pa din natin ang heaviness, bitterness and anger hanggang ngayon. Kaya kung meron similar situation na nangyayari ngayon, or something na nagre-remind sa atin about the past, naaalala ng puso natin ang sakit ng nangyari noon and we respond in negativity and anger.
PRAY CONTINUOUSLY
Dahil malaking challenge ang pagiging positive habang sila’y kasalamuha, ang Panginoon lang din ang MAKAKATULONG sa atin para mapakisamahan at maunawaan sila. Kaya we should pray for them all the time.
At totoo naman talaga na ang Diyos lang ang may KAKAYANAN upang baguhin ang isang tao. Ipagpasa-Diyos na lang natin ang pagbabago ng mga ganitong klaseng tao because “WITH HIM, ALL THINGS ARE POSSIBLE.”
THINK. REFLECT. APPLY.
Paano mo pinapakisamahan ang mga war freak?
Naipagdasal mo na ba sila?
Ikaw, have you made peace with the people whu hurt your in the past?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to live a stress-free life? You can also check out these related articles:
- ANO ANG EPEKTO NG GALIT SA TAO
- WHAT ABOUT PRIDE?
- PETMALU SA PAGKAMAINITIN ANG ULO
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.