May mga tao ka bang kinakainisan?
Di mo na ba alam kung paano ka makikitungo sa kanila?
Humans are inherently selfish, kaya kung ano ang gusto natin, yun ang gusto nating masunod as much as possible. Aminin mo man o hindi pero yan ang reality.
Pero hindi naman masama ang mainis. Normal lang yun, kasi tao lamang tayo. The difference lies on how we respond sa mga pagkakataong naiinis tayo sa ibang tao.
Everyone is entitled to react or respond to situations according to what they feel.
Ang tanong, ano ba ang response mo – negative or positive?
It’s actually your decision or choice. Kung gusto mong mag-dwell sa kung gaano ka nainis sa isang tao, then do it. But let me share my insights kung paano ka pwedeng mag-respond in a positive way.
ACCEPT UNIQUENESS
You have to accept the fact that people are all unique.
Tanggapin mo na yung asawa mo ay hindi kasing organized mo. Tanggapin mo na yung anak mo ay hoarder ng gamit at di siya kagaya mo na gusto ng kaunting gamit lamang. Tanggapin mo na yung kapatid mo ay may maluhong lifestyle di katulad mo na namumuhay within or even below your means. Tanggapin mo na ang pakikipag-bonding na gusto ng mga pamangkin mo ay ang pag-spend ng time with you habang gamit nila ang kani-kanilang mga ipad at hindi sila katulad mo na gusto ng face to face interaction. Tanggapin mo na iba sila sayo.
Kung hindi mo kasi tatanggapin na ang bawat isa sa atin ay unique, patuloy ka lang na maiinis. At ang maa-apektuhan negatively ay ikaw. The single most frustrating thing is to try to change others to be like you. Because it is impossible.
ACCEPT LIMITEDNESS
We also have the tendency to think na kung kaya mong gawin, kaya din ng iba. May napagawa ka na ba o nautusan na tao that it takes them two years bago matapos yung pinapagawa mo. Kung ikaw lang may time at gagawa, it will only take you two days to do it.
Doon tayo naiinis at napipikon.
But accept that they have limitations. You can only do so much on your part. Pero once na nagawa mo na ang part mo, tanggapin mo na nasa kanila na ang desisyon kung ano ang gagawin nila.
Tandaan mo na sa halos lahat ng bagay ay wala kang kontrol. Wala kang kontrol sa panahon, sa oras, sa ibang tao . . . Pero meron kang kontrol sa sarili mo. At dun ka dapat na mag-focus sa limitadong kontrol na meron ka.
ACCEPT YOU ARE NOT IN CONTROL
Isa pang factor kung bakit tayo madalas mainis, dahil gusto natin kontrolin ang ating buhay at kinabukasan. Aminin mo o hindi, you and I cannot control our future. As much as we plan and do the best we can, we just need to admit that we can only do so much.
This is where our FAITH comes in. Your relationship with God na dapat magtiwala tayo that GOD IS IN CONTROL, not us. HE HOLDS OUR FUTURE, not us. HE KNOWS BETTER than we do. Kaya nga, kung hindi natin isusuko ang dapat natin isuko sa Diyos, tayo ang talo.
Kung madalas kang mainis, maniwala ka kapatid, may pinaghuhugutan yan. You cannot continue to live a lifestyle of inis dahil nakaka-stress yan!
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, ano ang madalas mo kainisan sa buhay?
May kinaiinisan ka bang tao? O kinaiinisan mo ang iyong sarili?
Ano ang pwede mong gawin para mabawasan ang iyong pagkainis?
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Nakatulong ba itong article sa pagde-deal ng mga maiinis na tao? You can also check these related articles kung paano maghandle ng mga tao na mahirap:
- HOW TO DEAL WITH UNREASONABLE PEOPLE
- Nakakainis Mainis
- How To Deal With A Rude Person
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.