“Ayoko na! I quit!”
“Hirap na hirap na ako!”
“Suko na ako!”
Napakadaling bitawan ng mga katagang yan kapag nakaramdam na ng paghihirap. Siyempre mas gugustuhin natin na hangga’t maaari ay makuha ang gusto natin nang hindi dumadaan sa butas ng karayom.
Isang factor din ay ang pagiging tamad kaya madaling sumusuko. May nabasa nga akong kasabihan, “Di bale nang tamad, hindi naman pagod.”
Pero I want to encourage all of you, kahit na anong hirap at kahit sobrang sakit ang mararamdaman mo, HUWAG KANG UMAYAW! Bakit?
First of all, for you to …
AVOID REGRETS
Ang iisipin mo ay puro “What if?”
Paano kaya kung naging masipag ka maghanap ng pagkakakitaan ng pera? Hindi siguro ISANG KAHIG ISANG TUKA ang iyong pamilya.
Paano kaya kung sa kabila ng paghihirap ay nanatili ka sa iyong trabaho? Siguro nakuha mo na ang PROMOTION na pinakahihintay mo.
Paano kaya kung tiniis mo na hindi gumastos para sa luho, nang sa gayon ikaw ay nakatipid? Siguro hindi ka nalulunod sa UTANG ngayon.
Diba nga, nasa huli parati ang pagsisisi? At kung dahil lang sa ayaw mong mahirapan o sa katamaran kaya hindi mo makakamit ang nais mong mangyari sa iyong buhay, siguradong pagsisisihan mo why you didn’t PURSUE YOUR DREAMS.
Kaya huwag ka basta basta susuko sa paghihirap o dahil sa tinatamad ka. You just have to remember that challenges are…
PART OF THE PROCESS
Kung may nagsasabi sa’yo na gawin mo ang isang bagay at sasabihin sa’yo na INSTANT SUCCESS ang naghihintay sa’yo pag ginawa mo yun, naku yun ay pawang kasinungalingan lamang!
Yung pagiging successful boxer ni Manny Pacquiao ay hindi naman nangyar OVERNIGHT. Tipong natulog lang siya tapos pagkagising e sikat na boxer na siya. Diba hindi naman ganun yun?
Bawat success story ay may backstory. And I believe na ang TUNAY NA SUCCESSFUL ay tiniis na daanan ang bawat butas ng karayom papunta sa kanyang goal.
Finally, you should not give up because the difficult process will …
DEVELOP YOUR CHARACTER
Kapag nakukuha mo kasi nang mabilisan ang gusto mo, you develop IMPATIENCE. Hindi ka kasi nasanay na nahirapan kahit konti. Kaya ang tendency is you will just SETTLE FOR LESS, basta ang importante e hindi ka nahirapan. Eventually ay babalewalain mo na lang dahil madali lang naman pala yun ma-achieve.
Pero kung dumaan ka sa pagsubok para makamit ang isang bagay, yung BEST ang makukuha mo and you will APPRECIATE EVERYTHING ABOUT IT. Dugo’t pawis mo yun e.
At hindi lang basta yung ending ang best dahil yung mismong difficult process will MOLD YOU TO BECOME THE BEST.
THINK. REFLECT. APPLY.
Gusto mo na bang sumuko?
Kung oo, bakit ayaw mo nang tapusin ang nasimulan mo?
Ano bang humahadlang sa???yo to pursue your dreams?
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Did this article motivate you? You can also check on these related articles:
- NEVER GIVE UP ON YOUR DREAMS
- Why God Gives Us Challenges
- GIVING UP IS THE EASY PART
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.