Umantig at pumukaw ng aking damdamin ang pelikulang HENERAL LUNA. Ang isa sa mga sinabi niya na hindi ko malilimutan ay, “Ang Pilipino ay hindi mo na kailangan turuan na mahalin ang kanilang pamilya, pero kulang sa pagmamahal sa ating bansa.”
Ako ay isang Filipino-Chinese, pero itinuturing ko ang aking sarili na 110% Pinoy.
Dito na ako natutong magsalita ng wikang Filipino; lumaki akong nagbabasa ng komiks; naglalaro sa kalsada tuwing dapit-hapon; kumakain ng fish balls at ng cotton candy.
Iisa lang ang ating bayan, kaya kahit anong mangyari, maganda man o di kanais-nais, ay dapat sama-sama at nagkakaisa tayong mga Pilipino. Sikapin natin na gawin ang lahat ng ating makakaya para gumanda ang takbo ng ating bayan.
Ang bawat Pilipino ay may tungkulin na dapat gampanan sa bayan. Hindi lang yung naluklok sa posisyon ang dapat na kumilos, kundi tayong lahat ay dapat na may gawin. Hindi solusyon ang pagtuturo sa kung sino ang tama at mali. Ang dapat na gawin natin ay gawin ang ating tungkulin bilang mamamayan kahit na wala tayong katungkulan sa ating gobyerno.
Madalas lang tayo nakatuon sa mga taong nagkasala. Pero nakakalimot din tayo na meron din tayong mga obligasyon at responsibilidad na dapat gampanan bilang mga mamamayan.
Aminin natin o hindi, lahat naman tayo ay may pagkukulang. Nais kong ipabatid sa ating lahat sa pamamagitan ng blog na ito na may dalawang klase ng pagkakamali.
Una, yung pagkakamali by…
COMMISSION
Ito yung tawag kapag may ginawa kang pagkakamali, na may action kang ginawa.
Halimbawa nito ay, kung tayo ay nagkalat, namerhuwisiyo tayo ng mga kapitbahay, nagnakaw, nakapatay, nanakit ng ibang tao, at marami pang iba.
Ika nga, may nagawa tayong pagkakamali at labag sa panuntunan o batas.
Yung pangalawa naman po ay yung pagkakamali by…
OMISSION
Ito yung mga alam natin na dapat natin ginagawa, ngunit hindi natin ito ginampanan o inaaksyunan, ito rin ay isang pagkakamali.
Halimbawa ay kung isa tayong magulang, dapat natin alagaan ang ating mga anak at bigyan ng magandang kinabukasan. Hindi tayo pwede magpabaya. Maari na masabi mo na buti na lang hindi ako katulad ng ibang mga magulang diyan na nambubugbog ng anak; nagpapabaya, nadrodroga, nagsusugal pa. Pero kung tayo mismo ay hindi naman tayo nagbibigay ng sustento, hindi nagbibigay ng magandang halimbawa, hindi pinapangaralan ng tama ang ating mga anak, wala tayong pinagkaiba.Yung iba may ginagawa na hindi tama, tayo wala naman tayong ginagawa.
PAREHO LANG TAYO!
Kung isa tayong manggagawa, dapat natin gawin ng maayos ang ating trabaho. Hindi natin pwedeng pabayaan ito at pumetiks na wala kang gagawin maghapon. Maari natin sabihin na hindi naman tayo nag-nanakaw na katulad ng ating ka-trabaho. Pero kung tayo mismo ay hindi ginagampanan ang ating trabaho, wala tayong pinagkaiba sa kanila. Yung iba may ginagawa na hindi tama, tayo wala naman tayong ginagawa.
PAREHO LANG TAYO!
Kung isa tayong mamayan, dapat tayo sumunod sa batas. Hindi naman ako katulad ng iba na nang-hoholdap, nagbebenta ng drugs at nangingidnap tulad ng mga kriminal. Maari nga na hindi natin ito ginagawa, pero kung hindi tayo sumusunod sa batas trapiko at hindi nagbabayad ng buwis, wala tayong pinagkaiba. Yung iba may ginagawa na hindi tama, tayo wala naman tayong ginagawa.
PAREHO LANG TAYO!
So uulitin ko. May dalawang klase ng pagkakamali, at hindi lamang ito makikita sa sarili natin kundi pati na din sa ating. Ang una yung PAGGAWA NG KAMALIAN sa taong bayan – COMMISSION, at yung pangalawa yung HINDI PAGTUPAD AT PAGSASAWALANG BAHALA sa pangangailangan ng taong bayan – OMISSION.
lipunan
YES, galit tayong lahat sa korapsyon.
Ayaw natin ng mga nanunungkulan na CORRUPT!
Gusto natin ng taong MATUWID, na hindi natutukso at hindi magnanakaw sa taong bayan. Maaring hindi siya marunong magnakaw, pero kung HINDI naman niya PINAPAIRAL ANG TAMA at HINDI NAGAGAMIT ANG KANYANG KAPANGYARIHAN para magsilbi sa nakakarami, wala itong pinagkaiba. Yung iba may ginagawa na hindi tama, pero yung iba, hindi naman ginagawan ng paraan.
PAREHO LANG ITO!
Pero hindi rin ba nakakagalit na alam natin na MAY KAYANG GAWIN pero HINDI NAMAN ITO GINAGAWAN NG PARAAN.
Sa totoo lang, simple lang sana ang solusyon. Kung lahat tayo ay kikilos, may gagawin, may maibabahagi. Huwag natin ipagmalaki ang mga bagay na hindi natin nilalabag, pero suriin natin at pagnilaynilayan kung ano kaya natin gawin na hindi natin ginagampanan.
THINK. REFLECT. APPLY.
Commission or omission?
It doesn’t really matter.
What matters is what WE CAN DO IT TOGETHER,
kung sama-sama tayo!
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. At the same time, he is a husband to his beautiful wife, Nove Ann and a father to three amazing children. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.