Natatakot ka bang mag-fail ka? Natatakot ka bang ma-reject?
Gusto mo bang makawala dito to fulfill what you want to do?
May mga taong nabubuhay ng maraming pagsisisi. These people usually have a long list of “if only…”
“If only I tried.”
“If only I took the risk.”
“If only I was braver.”
“If only…”
Nalulunod sila sa pag-reminisce kung ano sana ang ginawa nilang aksyon habang may panahon pa sila.
Kaya eto ang sasabihin ko sa iyo. Habang may pagkakataon ay kumilos ka na. Hindi mo kailangan ng yesterday o tomorrow. You just need to start today, para hindi ka mapabilang dun sa mga taong may listahan ng mga “If Only”. Huwag mo masyadong isipin kung ano ang nakalipas o dun sa kung ano ang pwedeng mangyari. Focus muna on the present. JUST START NOW!
“Pero Chinkee . . .”
Alam ko iniisip mo. Paano mo mao-overcome yung fear mo na mag-fail o ma-reject? Bigyan kita ng dalawang simpleng guide para madaling sundan.
STOP THINKING
Masyado ka kasing nagiisip. Masyado kang nag a-analyze. Narinig mo na ba ang katagang, “ANALYSIS PARALYSIS.” Gumagawa tayo minsan ng mga scenario at kwento sa ating isipan. Imbis na maganda ang ating iniisip, ang pumapasok sa atin ay mga kanegahan at kinakatakutan.
Mag-relax ka nga muna.
“What if hindi nila ako tanggapin?”
“What if hindi ako mag-succeed?”
“What if mangyari ulit sakin yung katulad ng dati?”
Huwag kang masyadong mag-focus sa negative.
Hindi ko sinasabi na huwag mo pagisipan ang gagawin mo, but you should draw the fine line kung kelan ka titigil mag-isip ng negative at dapat mag dwell sa sa positive.
START DOING
Jump in! Take the plunge! Just do it!
Hindi mo malalaman kung ikaw ay marunong na mag-bike kung hindi ka sumubok at sumakay.
Hindi mo malalaman na ikaw ay marunong na lumangoy kung hindi ka tumalon sa swimming pool.
Hindi mo malalaman ang resulta ng isang bagay na gusto mong gawin kung naka-tengga ka lang; kung nakatunganga ka lang kakaisip kung ano ang perfect strategy na dapat mong gawin.
Tandaan mo na kahit anong strategy pa ang meron ka, walang silbi ito kung hindi ka gagalaw ngayon. Oo, as in now na!
Ang mga taong nag-su-succeed ay yung mga tao who knows when to stop thinking about the negative and start doing the positive.
THINK. REFLECT. APPLY.
Do you want to overcome your fear of failure and rejection?
Stop thinking. Start doing.
–Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
Chinkee Tan is a famous motivational speaker in the Philippines. He specializes in topics such as personal development, building and strengthening relationships and financial management to name a few. To this day, he continues to inspire thousands of people through his books, free business seminars in the Philippines, social media and being invited to be a motivational corporate speaker to different organizations.
Are you ready to conquer your fears? You can also check these related articles:
Chinkee Tan is a Wealth Coach, Keynote Speaker, and Best-selling Author on personal finance and wealth management. He has written 16 best-selling books and counting. His mission is to equip millions of Filipinos to be free from financial stress & experience financial freedom.